Chapter 16

293K 7.6K 5.2K
                                    

Sibling Rivalry

Antok na antok pa ako pero pinilit kong idilat ang mata ko dahil kanina pa kumakatok si Manang, sinilip ko ang orasan sa gilid ng kama ko at 6:20 a.m pa lang, Sabado naman at walang pasok kaya gusto ko pang matulog hanggang mamaya.

"Margaux, hija? Gising ka na ba? May bisita ka." Itinakip ako ang unan sa tenga ko, inaantok pa ako dahil puyat na puyat ako. Halos madaling araw na yata ako nakatulog, kasi naman si Blake, magdamag kaming magka-video call, ayaw niyang patayin ko ang tawag kahit na inaantok na ako kaya nakatulugan ko siya.

"Let her sleep, manang. I'll just wait for her." Hindi ko na narinig ang sinabi nang kung sino man sa labas ng pintuan ng kwarto ko dahil hinila na muli ako ng antok.

Eksaktong alas otso ng umaga nang maisipan kong bumangon na, naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago bumaba, hindi ko na inabala ang sarili ko na magsuot ng bra o magpalit man lang ng damit. Manipis na bestida lang ang suot ko nang bumaba ako patungo sa kusina.

Si Mamila, Manang at ako lang naman ang nasa bahay kaya hindi ako naiilang na lumabas ng kwarto sa ganitong ayos. Sinuklay ko nag buhok ko gamit ang daliri habang pababa ako sa hagdanan.

"Good morning." Saad ng baritonong boses sa gilid ko nang madaanan ko ang sala, didiretso na ako sa kusina para kumain ng breakfast.

"Morning." Naghihikab pa ako habang bumabati pabalik sa lalaki-- lalaki?  Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang harapin ko ang lalaki na prenteng nakaupo sa mahaba naming sofa sa may sala, nakatitig siya sa akin habang umiinom ng kape!

"Blake? What are you doing here?" Ibinaba niya ang tasa, pinagmasdan ko 'yon at napanguso ako nang mapansin na tasa ko ang gamit niya.

"Sabi mo kagabi, gusto mong mag-jogging." Cool na cool lang siya habang pinagmamasdan ako, doon ko lang nabigyan ng pansin ang suot niya. Simpleng t-shirt na itim lamang 'yon at jersey shorts.

"Huh? Sinabi ko ba?" Napakamot ako sa batok ko nang maalala ko na nabanggit ko nga pala 'yon dahil laging naghahabulan si Blade at Donna sa loob ng subdivision namin tuwing weekends.

"Nakalimutan mo na?" Ngumisi siya at tumayo, ilang hakbang lang ay nasa harapan ko na siya, nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako sa noo. Ang aga naman magwala ng mga paru-paro sa tiyan ko!

Inilapit niya ang mukha sa tenga ko at bumulong, "I missed you." Legal ba ang kiligin ng ganito kaaga? Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko.

"I can see your nipples from here." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, naabutan ko siyang nakatingin sa dibdib ko pagkatapos ay ibinalik niya ang mga atensyon sa mukha ko. "You're not wearing a bra every morning?"

Gosh! Nakakahiya! Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ko na umakyat na sa mukha ko, mabilis kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang braso ko.

"A-ano... Kami lang naman nila mamila rito." Lumayo ako ng bahagya sa kanya pero nakahawak pa rin siya sa braso ko.

"What if someone barged in and see you like that?" Pinapakita niya na naman ang disgusto sa mukha niya.

"Wala namang ibang tao rito, nasanay lang ako... magpapalit lang ako ng damit!" Napanguso ako at tinalikuran ko na siya at iniwan doon, hiyang hiya na kasi ako! Bakit ba naman kasi ngayon ko pa naisipan na maging braless! Nagtatakbo ako paakyat sa kwarto ko para magbihis.

Kaagad kong tinitigan ang sarili ko sa salamin, napahilamos ako sa itsura ko, mukha kasi akong porn star sa suot kong maikli at manipis na dress, bakat din ang matayog kong nipples, ang laswa pala!

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon