Chapter 11

296K 8.5K 1.9K
                                    

Play better

"1... 2... and... 3! Jump Margaux!" I instantly jump as soon as I heard the whistle, I am held above the bases heads with my feet held close together. Itinaas ko ang mga kamay noong nakataas na ako sa ere. We're doing a cupie stunt right now and because I am the flyer, halos lahat ng delikadong stunts ay ako ang gumagawa. Malaki ang pagpapasalamat ko dahil wala pa naman akong natatamong malaking injury.

"That was great, Marg! You're really awesome!" It was Lucy, ang head ng cheerleading team, peke ang ipinakita kong ngiti sa kanya dahil alam ko naman na fake lang din ang pagpuri niya sa'kin and besides, Lucy is one of Blake's ex-girlfriend at ilang buwan ko rin siyang pinagselosan kahit na alam kong hindi naman nagseseryoso si Blake Yvo.

Isa isang lumapit ang iba ko pang kasamahan sa akin upang puriin ako, I am flattered, binigyan ko ng ngiti ang lahat ng lumalapit sa akin, I am confident that I did great, ilang linggo na rin kasi kaming nagpa-practice para sa nalalapit na performance and we are our University's pride para sa nalalapit na University Meet kung saan anim na International University ang maglalaban.

Umalis na lahat ng kasama ko ngunit naiwan pa rin ako sa loob ng gym. Gusto ko pa kasing mag stretching after the practice para hindi sumasakit ang katawan ko bago matulog.

"Somebody's famous." Napaangat ang tingin ko sa pintuan ng gym nang pumasok si Blare, nakangisi ito at nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng faded jeans na suot.

Huminto ako sa ginagawa ko at uminom ng tubig, kinawayan ko siya nang palapit na siya sa akin.

"Hi, long time no see." I said, sinimulan ko nang alisin ang sapatos na suot, ako ang unang dumating sa gym para mag-practice at ngayon ay ako rin ang huling uuwi.

"You miss me?" Blare sits beside me and wink, napairap ako.

"You wish." Sinimulan ko na ang paglalakad patungo sa locker room ng gym at nakasunod pa rin sa akin si Blare. I changed my shoes while Blare sits beside my bag. I didn't mind him as I continue to do what I was supposed to do.

"Why are you here?" I asked, Sinumulan ko nang buksan ang locker ko at kuhanin ang sports bag mula roon.

"I just want to see you." Hininto ko ang ginagawa at sinamaan ng tingin si Blare na nakangisi nang mapaglaro sa akin ngayon. Hindi ko papatulan ang landi niya dahil alam kong pinagti-tripan na naman ako ng lalaking 'to.

"Well, I don't want to see you." Maarteng saad ko, sinulyapan ko ang paa ni Blare nang maalala ko ang nangyari sa La Union.

"Makakalaro ka?" I asked casually at tumabi sa kanya pagkatapos kong ipasok ang mga gamit ko sa locker.

"I don't think so." He shrugged, sumandal siya sa bench habang pinapanood akong magpunas ng pawis. I am sweaty, kanina pa kasi ang ginagawa kong pagtalon sa ere. Ang daming bagong stunts ang inaral namin para may bagong mapanood ang mga tao at hindi redundant ang stunts.

"Hindi ka sure?" kumunot ang noo ko, ang first five ng basketball ay ang triplets, si Kirby at Fourth. Blare chuckled as he handed clean towel to me.

"What's so funny, you fool?" Naiinis na tanong ko sa kanya dahil nakangisi na naman siya sa harapan ko, seriously? Bakit panay ang ngisi ng lalaking 'to?

"Seriously, lady? Parang hindi mo kilala ang captain ng basketball." walang pakialam na saad Blare, nagkibit ako ng balikat dahil kilalang kilala ko kung sino ang tinutukoy niya.

"He doesn't have the right to kick you out of the team, wala ka namang ginagawa." Saad ko at tumayo muli para pumunta sa locker at maglabas ng malinis na puting loose shirt at maikling maong shorts.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon