Chapter 2

387K 9.3K 4.1K
                                    

Foolishly inlove

“What’s wrong? Bakit ka na naman nakasimagot?” tanong ni Donna pagkababa ng hawak na juice sa harapan ko.

Napansin niya sigurong wala na naman ako sa mood dahil halos masira ko na ang unan niyang kanina ko pa pinanggigigilan pagkahiga ko pa lang sa kama niya.

Si Donna ang best friend ko na lagi kong tinatakbuhan sa lahat ng oras. Halos mas madalas pa nga ako sa bahay nila kaysa sa amin dahil magkapitbahay lang naman kami. Donna is the sister I never had, lagi kaming magkasundo kahit na baliktad kami ng ugali.

Napasimangot ako bigla nang maalala ang ginawa ni Blake kahapon. Sinusungitan niya ako kapag lumalapit ako sa kanya tapos bigla naman siyang nagalit noong nakita niya akong kasama ang kapatid niya, ang gulo ng lalaking ’yon. He’s giving me mixed signals and it’s confusing.

“Si Blake kasi, he’s giving me mixed signals again,” walang gana kong saad.

I don’t want to look so pathetic just because Blake rejected me again, sala sa init at sala sa lamig din kasi ang lalaking ’yon. Umaakto siya na parang ayaw niya akong makitang may kasamang iba pero hindi naman niya ako tinatrato nang tama. Ang gulo-gulo niya!

“Sabi ko naman kasi sa ’yo, stop chasing him. Just spend your time on something or someone worth it.” Kitang-kita ko ang simpatya sa mukha ni Donna.

Lalo lang akong naawa sa sarili ko dahil kinakaawaan niya ako sa kadahilanang hindi ako mahal ng lalaking mahal ko simula noong bata pa kami.

“Don’t give me that look, Donna!” saway ko sa kanya bago sinimsim ang juice na ibinigay niya sa akin.

Ang pinakaayaw ko ay kinakaawaan ako ng ibang tao pero mukhang hindi naman naaawa sa akin itong si Donna, she’s just concerned about me dahil matagal na niya talagang sinasabi sa akin na tigilan ko na si Blake pero dahil matigas ang ulo ko, siyempre ay hindi ako nakikinig.

“Hinahabol mo kasi si Blake kaya tumatakbo palayo ’yong tao,” aniya at siniksik ako sa kama niya para makatabi siya sa akin. Binuksan niya rin ang malaking flat screen TV sa tapat ng kama niya at namili ng movies sa Netflix.

Lumabi ako at yumakap kay Donna, mas matanda ako ng isang taon sa kanya pero kung magsalita ito ay parang siya ang ate sa aming dalawa. Palibhasa ay maganda ang love life niya kaya hindi niya naiintindihan ang sitwasyon ko.

“Dons, wala ka sa lugar ko kaya hindi mo gets ang nararamdaman ko. Palibhasa kasi ikaw ang hinahabol ng boyfriend mo kaya hindi mo maiintindihan ang point of view naming mga naghahabol,” ani ko at mas yumakap sa kanya. Umirap siya nang pabiro dahil sa sinabi ko.

Parang hirap na hirap na si Donna sa pagbibigay ng advice sa akin na hindi ko naman sinusunod. Stress na siguro siyang makinig sa pagiging broken ko. Pasensya naman, maganda lang ako pero hindi ako suwerte sa love life.

Magsasalita pa sana si Donna pero biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya, pareho naming nilingon ’yon. Ilang sandali pa ay bumukas na ito at sumilip ang boyfriend niyang si Blade—isa sa triplets, kapatid ni Blake at Blare.

“Mahal, you’re not answering my calls,” saad ni Blade nang makalapit kay Donna, hinalikan pa niya si Donna sa labi kaya ako na lang ang nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa.

Si Donna naman ay humagikhik pa na parang kinikilig kaya napaikot ang mata ko. Hello! Nasa harapan ninyo kaya ako, respeto naman sa mga single.

“Busy kami ni Margaux,” nginuso pa ako ni Donna, doon lang napansin ni Blade ang presensiya ko.

Aba, kung hindi pa ako banggitin ni Donna ay hindi niya ako lilingunin. Ang lalaki kasing ito ay suplado sa ibang tao, kay Donna lang naman nawawala ang angas niya.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon