Soon
Umiyak nang umiyak si Mama Amanda at galit na galit si Tito Blaze nang malaman ang ginawang pagtago kay Marleigh.
They can't believe that they have a granddaughter, they only met Yvo last year that's why they were so shocked and excited at the same time.
Sa Mansyon ng mga Reifler kami pansamantalang maninirahan hanggang sa matapos ang kaso na isasampa namin ni Blake sa mga sangkot sa pagnanakaw sa anak namin.
Blake vowed to take legal action and Tito Blaze used all of his connections to make sure that the Justice will prevail.
Kumuha sila ng dalawang magagaling na abogado, ang isa ay uuwi galing sa New York bukas upang tumulong para mapabilis ang kaso.
We already sent a subpoena to Kylie, and Radley yesterday, nakasaad doon na kinakasuhan namin sila ng kidnapping.
There was also an affidavit attached to the letter. It was Blake's, nakalagay doon ang ginawang pagnanakaw ni Kylie at ng ama nito kay Marleigh.
As for Lucy, kailangan muna naming hintayin ang resulta ng DNA test na isinagawa para malaman kung sangkot nga rin ba siya sa naganap na kidnapping six years ago.
Kailangan muna naming makumpirma kung ako ba talaga ang ina ni Yvo at kakambal siya ni Marleigh.
Hindi na rin pwedeng makalapit pa si Lucy kay Yvo hanggang wala pa ang resulta, naka-ban rin sila sa lahat ng airport sa Pilipinas upang masigurado na walang makakatakas.
Naka-confine pa rin ang bata at kasalukuyang binabantayan ng kanyang Tito Blade at ng fiancee nito na si Eloise habang abala kami sa kaso.
The stress is too much for me, masama sa pagbubuntis ko ang nangyayari kaya hinahayaan lang ni Blake na maki-alam ako kapag kailangan ng statement ko.
Tulad ngayon, nakaharap ako kay Atty. Hadrian dahil kailangan kong sabihin sa kaniya ang lahat ng nangyari six years ago.
I need to tell them everything during my pregnancy until I gave birth, mahirap at masakit man alalahanin ang lahat ay kailangan nilang malaman.
"I had a complete check-up every month, ang sabi ng Obgyne ko ay okay lang si baby, no complications and all but I gave birth earlier than expected, my baby is premature, she's only 7 months.."
Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Blake sa kamay ko, nang lingunin ko siya ay maamo ang mukha niya habang nakatunghay sa akin.
Pinatatag ko ang sarili at muling nagsalita. "Nabuhat ko pa siya.. pero sandali lang dahil nawalan ako ng malay, pagka-gising ko, ang sabi nila Mamila ay... wala na ang anak ko."
Naglandas na naman ang mainit na luha sa pisngi ko, kahit na buhay ang anak ko ay masakit pa rin para sa akin ang alalahanin ang araw na naging bangungot sa akin sa loob ng anim na taon.
"Lovey, it's okay.. I'm here," masuyong pinunasan ni Blake ang pisngi ko at hinalikan ang gilid ng noo ko.
Tumango-tango ang abogado bago muli magtanong. "Can you tell us, what type of delivery did you have when you gave birth?"
"I am sure that I had a normal delivery.. but I had an abdominal incision when I woke up," mahina kong bulong.
Pumaling ang ulo ni Atty. bago siya tumango-tango muli. "Ibig sabihin ay naaalala mo na normal ang panganganak mo pero nang magising ka ay may tahi ka na katulad ng C-section?"
Tumango ako. "Yes, I still remembered how I screamed while giving birth, kaya hindi ako makapaniwala sa sinabi ng doctor na Caesarean delivery ang ginawa ko.."
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)