Kiss
"Kapag ba sinuntok ko 'yong sarili ko tapos nasaktan ako, ano tawag sa'kin? Malakas o mahina?" Napairap ako nang marinig ko ang tanong ni Russ, rinig na rinig ko ang boses niya kahit may kalayuan sila sa akin, pinagpatuloy ko lang ang paglakad sa thread mill at hindi sila pinansin.
"Malakas." Sagot ni Joji na nagbubuhat ng dumbbell.
"Mahina." Sagot naman ni Bricks habang pinapanood ang dalawa niyang kasama, kumakain lamang siya sa loob ng gym at hindi man lang humahawak ng gym equipments.
"Ang tawag sa'yo, tanga." Maging ako ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakasandal si Blake sa hamba ng pintuan habang may dalang bouquet ng bulaklak. Halos manghina ang tuhod ko nang magsalubong ang mga mata namin.
"Uy gago! Bakit ka nandito, bro? Sabi mo hindi mo na kailangan mag-gym?" Tumigil ang tatlo sa ginagawa at sinalubong si Blake. Iniwas ko na lang ang tingin at nagpatuloy sa pagtakbo sa threadmill, mas binilisan ko pa ang pagtakbo para maiwasan ko siyang lingunin.
"I'm waiting for someone." Oh Lord, bakit ba kasi kailangan niyang pumunta dito? Hindi pa nga ako makapag move on sa sinabi niyang manliligaw siya sa akin tapos ngayon ay nandito na naman siya?
"Your new girl? who? Bakit hindi namin alam?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makinig sa pinag-uusapan nila, hindi tuloy ako makapag focus sa ginagawa ko.
"Maganda siguro kaya tinatago mo sa'min no?" Pasimple ko silang tinapunan ng tingin na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil nakatingin siya sa akin, nagtagpo tuloy ang mga mata namin, bahagya pang tumaas ang sulok ng labi niya.
"Sobra." Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nakabaon sa akin ang titig niya, huminto na ako sa pagtakbo, hinihingal na inabot ko ang towel sa gilid ko. Halos kadarating ko lang dito sa gym pero pagod na pagod na ako.
"Ay puta, bakit may bulaklak kang dala? Para sa'kin ba 'yan?" Narinig kong saad ni Joji, pinalambot pa niya ang boses. Napailing na lang ako at pinilit ko ang sarili na 'wag silang bigyan ng atensyon.
"Nililigawan ba kita?" Humawak ako nang mahigpit sa towel nang maramdaman ko na nakatitig pa rin siya sa akin, kahit nakatalikod ako sa gawi niya ay alam ko na nasa akin nakatuon ang mga mata niya.
"Gago bro, hindi ka naman marunong manligaw ah." Pang-aasar ni Bricks.
"Si Blake Yvo, manliligaw? Ano 'to himala?"
"Fuck, mamamatay ka na ba?"
"Uy gago, hindi si Blake 'yan, impostor yata 'yan." Napuno ng kantyawan ang buong gym, napapatingin na nga ang ibang tao dahil sa ingay nila.
Kinuha ko ang tumbler na dala ko para uminom pero wala na pala itong laman, humakbang na ako para sana kumuha ng tubig pero nagulat ako nang nasa likuran ko na pala siya.
"Hi." He whispered, hindi agad ako nakagalaw dahil napako ang mata ko sa labi niya na nakangiti ngayon sa'kin.
"Ahm, hi." Mabilis akong lumayo para iwasan siya pero mabilis niya akong napigilan, hinuli niya ang pulso ko kaya napaharap ako sa kanya.
"For you." Bumaba ang tingin ko sa bouquet ng pink tulips na inaabot niya sa akin. Ang ganda ng pagkakabalot nito sa kulay mint green na wrapper at halatang mamahalin.
"Bakit?" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa tanong ko sa kanya, seriously? Hindi pa ba halata.
"Ano'ng bakit?" Kinuha niya ang kamay ko at pilit na binigay sa akin ang bulaklak, napayuko dahil kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko na nagulat ang tatlo sa ginawa ni Blake pero hinayaan lang nila kami.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)