MARGAUX AGATHA
“Blake Yvo!” Nasa pintuan pa lang ako ng gymnasium ay isinisigaw ko na ang pangalan ng lalaking nakasuot ng pulang jersey na may number ‘24’ sa harapan at likuran. Pumalakpak pa ako nang makitang nai-shoot niya ang bola sa loob ng ring, three points!
“What?” pasuplado niyang tanong sa akin kahit na hindi ako nililingon. Tinungo niya ang bench kung nasaan ang sports bag niya at kumuha ng towel doon para punasan ang sarili.
Inilibot ko muna ang paningin sa paligid ng gymnasium at nang makita kong mag-isa lang siyang nagpa-practice ay nagtatakbo na ako papasok sa loob upang lapitan siya.
“Blakey!” Sigaw kong muli habang tumatakbo patungo sa kinaroroonan niya, sa pagkakataong ito ay nilingon na niya ako habang umiinom ng energy drink. Hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano siya natigilan habang tinititigan ang presensya ko. Napangisi ako nang huminto siya sa pag-inom at dahan-dahang ibinaba ang bote habang nakapako pa rin ang mga mata sa akin.
Naramdaman kong nililipad ng hangin ang mahaba at brown kong buhok dahil sa pagtakbo. Nakangiti ako nang malapad sa kanya. I know that my brown eyes are sparkling while looking at him. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang malawak dahil kitang-kita ko ang pagkakatitig sa akin ng berde niyang mga mata.
Nahigit ko ang paghinga nang dumako ang mga mata ni Blake pababa sa dibdib ko, akala ko nga ay maibabagsak pa niya ang hawak na bote ng energy drink. Matatawa sana ako sa itsura niya ngunit bigla kong naalala kung saan nakatingin ang mata niya. Damn! I did not notice that my boobs were bouncing as I ran towards him, rhyming with my body.
Kinagat ko ang ibabang labi at pasimpleng tinakpan ’yon. Kung bakit ba naman kasi manipis at maikli ang pang-itaas ng cheerleading uniform na suot ko!
“Oh shit!” I heard him murmured when I stopped in front of him. Bahagya pa akong hiningal dahil medyo mahaba ang tinakbo ko dahil sa laki ng basketball court ng campus namin. I gave him my best smile after composing myself.
Blake tried to look away but he can’t, maybe he doesn’t like me yet but I know that he can’t resist me kaya naman mas pinagbutihan ko ang pagsuri sa kanya. The way his jaw clenched made me weak, damn it.
It’s hard to breathe when I am near him. Kitang-kita ko ang bahagyang pag-alon ng adam’s apple niya kaya naman hindi nakaligtas sa paningin ko ang leeg niya na basa na ng kaunting pawis at namumula pa, it made him hotter.
Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang uminit sa loob ng gym. This guy is really something. He’s busy staring at me kaya naman mukhang hindi na niya namalayan ang paghinto ko sa harapan niya. Titig na titig ka, Blake?
“Hey, Blake!” Natauhan lang siya nang hinalikan ko siya sa kaliwang pisngi. Napangisi ako dahil masyado yata siyang natulala sa ganda ko.
“What now, Margaux?” Iniwas niya ang tingin sa akin at tinalikuran ako para kuhanin ang bola na ibinaba niya sa gilid ng bench.
Napalabi ako nang sinimulan na naman niyang i-dribble ang hawak na bola. Nahihiya ako sa sarili ko sa tuwing hindi niya ako pinapansin. How dare him ignore me? Ako na nga ang lumalapit, siya pa itong lumalayo! I know that he knows how many guys I rejected just for him but he doesn’t appreciate that.
Umikot ako patungo sa harapan niya dahil tinalikuran ako ng loko, kahit naiinis ay pinilit ko pa rin siyang kulitin. “Sinabi ko sa ’yo kahapon na may lunch date tayo ngayon, ’di ba?” I excitedly exclaimed.
Huminto muli siya sa ginagawa at tiningnan ako nang magkasalubong ang mga kilay. Sa ekspresyon pa lang niya ay mukhang hindi niya maalala ang sinabi ko kahapon. Sabi ko na nga ba, he couldn’t remember my invitation because he was busy—busy dating other girls.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)