Chapter 47

261K 7.1K 5.6K
                                    

Bryle Yvo's Mother

Nagising ako na wala na si Blake sa tabi ko, kami na lang ng anak namin ang naiwan sa kama.

Siguro ay nagpunta na siya sa hospital para bantayan muli si Yvo at hintayin ang resulta ng DNA Test.

Pinagmasdan ko si Marleigh na payapang natutulog sa aking tabi, hinimas ko ang mapula at matambok niyang mga pisngi, hindi ko matiis na hindi siya panggigilan, ang cute kasi ng anak namin.

Bahagya itong gumalaw mula sa pagkakahiga, napangiti ako nang ngumuso ang mapula niyang labi at gumulong sa kama kahit na nananatili pa rin siyang tulog.

Inayos ko ang kumot niya at nilagyan ko siya ng maraming unan sa paligid para hindi siya mahulog, pagkatapos ko siyang pagmasdan ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo at mag-ayos.

Pinagmasdan ko ang aking tiyan sa salamin sa loob ng banyo, maliit pa lamang ito pero nahihirapan ako na akong magbuntis, mabuti nga at wala akong morning sickness ngayong umaga.

Hinimas ko ang impit kong tiyan. "Baby, h'wag mong pahirapan si mommy, please? Kailangan tayo ni Kuya Yvo."

Mamayang hapon lalabas ang resulta ng DNA test ni Yvo, hindi nga ako halos nakatulog kagabi dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. 

May parte sa akin na alam kong ako ang ina niya, para bang sang-ayon ang isip at puso ko na anak ko siya pero kailangan lang namin ng sapat na ebidensya para mapatunayan kung  totoo ba ito.

Nang matapos akong magbihis at mag-ayos ay muli kong hinalikan si Lei bago ako bumaba papunta sa kusina.

"Good morning, Mama Amanda," bati ko nang maabutan ko siyang may binabantayan sa oven.

Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi, lumaki naman ang ngiti niya sa labi.

"Good morning, hija. Kumusta ang gising mo? May morning sickness ka?" She sweetly asked.

Umiling ako. "Wala po ngayong araw, nakikisama sa akin si baby."

Mama Amanda chuckled. "Mukhang mabait ang third apo ko."

I rubbed my belly and nodded at her, tinawag niya ang ilang kasambahay upang ipaghanda ako ng breakfast.

Nahiya naman ako bigla dahil wala akong ibang ginawa sa mansyon nila kung hindi matulog at kumain, pakiramdam ko ay nagiging pabigat ako, ayaw naman kasi nila akong pagalawin lalo na si Blake na galit na galit kapag tumutulong ako sa gawaing bahay.

"Ako na lang po, kaya ko nama--"

"No, just sit down and wait for your food. Paulit-ulit na bilin ni Blake na hindi ka pwedeng kumilos," pigil niya sa akin.

Nanatili na lang akong naka-upo sa harapan ng counter-height table sa tapat ni Mama Amanda.

Sa isang iglap ay madaming mga pagkain na agad ang nasa harapan ko. Napakamot ako sa batok dahil hindi ko naman kayang ubusin lahat ito.

"H'wag mong pilitin kung hindi mo kayang ubusin, si Blake kasi ang namili ng kakain mo bago siya umalis, gusto ng batang 'yon na healthy foods lang para sa 'yo."

Napangiti ako sa sinabi ni Mama Amanda. Sobrang hands-on ni Blake sa akin noong nalaman niya na buntis ako lalo na nang magkasama kami sa bahay. Buhay reyna na nga ako.

Nagpasalamat ako sa mga kasambahay bago nagsimulang kumain, tuwang-tuwa si Mama Amanda habang pinagmamasdan ako.

May ibinaba siyang mga cupcakes at pie sa gilid ko, nagulat pa ako nang bigla niyang itapat sa bibig ko ang cupcake.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon