Chapter 43

231K 6.4K 6.7K
                                    

Twisted

"Yvo, go inside your room," mahinang bulong ni Blake sa batang buhat niya sa kanyang bisig.

Ibinaba niya ang batang lalaki, yumakap agad ito sa beywang niya.

"Okay po, daddy ko," kumalas ito ng yakap at nagtatakbo patungo sa isang kuwarto. 

Hindi pa man nakakalayo ang bata ay huminto muli ito para lumingon kay Blake.

"I wove you, Daddy!"

Blake smiled warmly at his kid, para akong dinudurog sa klase ng tingin at ngiti niya sa anak.

Malamlam ang berdeng mga mata ni Blake habang nakatingin sa batang lalaki. "I love you, son."

Napapikit ako ng mariin, bakit ang sakit? Ang sakit malaman na may anak siya sa iba at kay Lucy pa!

Lumawak ang ngiti ng batang lalaki at nagtatakbo muli papasok sa isang kuwarto, iyon ang silid na hindi ko nabuksan kahapon dahil sarado.

"Margaux," mahinahon ang boses ni Blake nang banggitin ang pangalan ko.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa 'kin. Hinaplos niya ang magkabila kong braso gamit ang mainit niyang mga palad.

Hindi ko siya nililingon, nanatili ang tingin ko kay Lucy na tahimik lamang sa harapan namin. That bitch got some explaining to do.

"Lovey, listen to me," pinaglandas ni Blake ang daliri niya sa baba ko upang iharap ang mukha ko sa kanya.

Nanatili akong walang emosyon, pinakalma ko ang sarili at pinigil ko ang mga luha na gustong-gusto ng tumulo kanina pa.

"How old is he?" I asked him, still holding my poise.

Blake bit his lips before answering. "He's five," mahina niyang sagot.

Parang sumabog ang utak ko sa narinig, limang taon na ang bata? Ibig sabihin ay nabuntis niya si Lucy noong mga panahon na buntis din ako sa anak namin?

"Five, huh?" mapait akong tumawa.

"Love, I can expla--

"Blake never cheated, Margaux," sumingit si Lucy sa usapan kaya sa kanya na naman nabaling ang atensyon ko.

"Something happened between us after you left him so basically, he did not cheat on y--"

Sa sobrang galit na nararamdaman ko kay Lucy ay mabilis kong tinawid ang pagitan namin at pinalipad sa kanya ang palad ko.

Sa sobrang lakas ng sampal ay tumagilid ang ulo niya. Hindi pa ako nakuntento at muli ko na naman siyang binigyan ng nakakabinging sampal sa kabilang pisngi.

Nanlaki ang mga mata niya at hinawakan ang namumulang pisngi. Masama ang tingin niya sa akin, kinuha niya ang vase na malapit sa kanya at akma akong susugurin ngunit mabilis siyang hinarangan ni Blake.

"Lucy! Don't you dare lay a finger on her!" Bulyaw ni Blake habang pinipigilan si Lucy na makalapit sa akin.

Nilunok ko lahat ng emosyon na naramdaman ko, hindi ako papayag na magmukha akong kawawa sa harapan nilang dalawa.

"Let her," matalas kong saad kay Blake ngunit ang mga mata ko ay nakapako pa rin kay Lucy. "Diyan naman siya magaling, sa hindi paglaban ng patas."

Natahimik si Lucy at unti-unting ininaba ang vase na hawak. Naglakad akong muli palapit sa kanya, nilagpasan ko si Blake na nakatitig sa akin.

"Ikaw ang nagsabi sa 'kin na iwanan ko si Blake para matupad ang mga pangarap niya," dinuro ko ang mukha ni Lucy.

Matalim ang tingin niya sa akin ngunit wala siyang masabi dahil alam naming dalawa kung ano talaga ang totoong sinabi niya sa akin noon. 

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon