Chapter 23

248K 7.2K 5.1K
                                    

Girlfriend ko 'yan.

"Margaux, ang blooming mo yata ngayon," sambit ni Kylie habang nakasilip sa mukha ko.

Nginitian ko lang siya dahil sa sinabi n'ya, humarap ako sa salamin ng locker ko upang tingnan ang itsura ko.

Pangatlo na si Kylie sa nagsabi sa 'kin ng ganoon ngayong araw. Pero sa paningin ko ay parang wala namang nagbago sa mukha ko.

"Right? Napansin mo rin? Kanina ko pa nga siya tinititigan, e." Sumingit sa usapan ang isa pa naming kaklase sa P.E class na si Lavender.

Nilingon ko sila habang natatawa. "Binobola n'yo yata ako. Wala akong panlibre, ha!"

They chuckled in unison, "Gaga! iba nga kasi ang glow mo ngayon," turan ni Kylie habang nagsusuot ng rubber shoes.

"Skincare reveal naman, mamsh!" Nanunudyong saad naman ni Lavender.

"Wala akong skincare," I honestly answered. "Hilamos lang, minsan nga nakakalimutan ko pa."

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko, hindi ko alam kung bakit gulat na gulat sila, e 'yon naman ang totoo.

"Seryoso ba? Bakit ang kinis mo?" Hinawakan pa ni Kylie ang pisngi ko. Natatawa kong tinabig ang kamay n'ya.

I continued combing my long hair and tied it into a high ponytail.

"Ang unfair!" Nagmamaktol na saad ni Lav. "Bakit ako? Ang mahal na ng gastos ko sa skincare na 'yan pero puno pa rin ako ng pimples!"

Ngumuso siya at tinitigan lalo ang mukha ko, nginitian ko lang siya.

"You're skin is good, though." I tried to compliment her to boost her self-esteem.

Maganda naman kasi talaga ang balat ni Lav, mestiza siya kaya lang ay medyo sensitive 'yon kaya madali siyang magkaroon ng acne.

"But it's the worst compared to your skin," nakasimangot na aniya.

"But that doesn't make you look less beautiful," I told her with conviction.

"Oo nga! Do not shame yourself for having an acne, that's natural!" Singit ni Kylie.

"I'm just insecure with my face, kung sana kasing kinis lang ako ni Margaux." Pinatulis n'ya ang nguso.

"Insecure rin ako sa height ko! Kung kasing haba lang ng legs ni Margaux ang legs ko ay i-pu-push ko talagang sumali sa Miss Universe!" Maging si Kylie ay ngumuso na rin.

"Insecure rin naman ako. I still have flaws, you know." Kinindatan ko sila.

"Ano ba kasi ang mga kinakain mo, Marg? Share mo naman." Makulit na saad ni Lav.

Tumawa lang ako at hindi na sila sinagot, wala naman kasi akong ibang kinakain.

In fact, ako ang kinakain.

Namula ang mukha ko sa naisip, ang halay ko naman! Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil rumehistro sa utak ko ang ginagawa sa 'kin ni Blake.

"Margaux, nasa labas si Blake," sigaw ng isa ko pang kaklase. Nakasilip ito sa pintuan ng girls locker room.

Speaking of the hot devil! Bigla na lang siyang sumulpot noong iniisip ko na siya.

"Kaya ka blooming no?" Siniko ako ni Kylie. Tinaas at baba pa n'ya ang manipis na kilay sa harapan ko.

"Ha?" I played dumb.

"Nadidiligan ba 'yang puthey mo?" Bulong n'ya. Sinundan pa n'ya ng mahalay na halakhak ang sinabi.

"Kylie!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon