First Level
“Just do what I say if you want me to help you, Margaux. Do you understand?” I lazily nodded to show my agreement. Wala namang mawawala sa akin kung makikisakay ako sa trip nitong si Blare.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglawak ng ngisi ni Blare nang lingunin ko siya na ikinataas ng kilay ko. “Oh, ano’ng inginingisi mo diya—” Hindi ko na naituloy ang tanong kay Blare nang may malakas na boses ang tumawag sa pangalan niya.
“Blare!” A baritone voice thundered. Kahit hindi ko makita kung sino ang may-ari ng boses na ’yon ay kilalang-kilala ko na. Sinundan ko ang pinanggalingan ng pagbulyaw para lingunin si Blake pero mabilis naman akong hinarangan ni Blare.
Sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasan na tumabi siya upang makita ko ang kapatid niya pero ang lalaking ito ay mas lalo lang dumikit sa akin. Nanatili pa rin ang malaki niyang ngisi sa labi na para bang inaasar ako. Sinubukan kong tumingala upang makita kung nasaan na si Blake pero bigo ako dahil ang taas ng balikat ni Blare na humaharang sa akin.
“Don’t look at him,” Blare murmured. “Remember the plan, Margaux. You should start to ignore him,” bulong sa akin ni Blare at mas lalo pang dumikit sa akin.
Naiilang ako sa sobrang lapit niya kaya gusto kong dumistansya, I was about to move away when Blare grabbed my arm and pulled me closer to him. Mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan namin dahil sa sobrang pagkakalapit naming dalawa, teka nga! Ano ba ang ginagawa niya?
Lalong lumalim ang kunot ng noo ko nang tiningnan si Blare.Naiinis ko siyang siniko. “Ang lapit mo! Lumayo ka nga, bakit ka ba naniniksik? Ang laki ng sofa ah,” pabulong kong bulyaw na tinawanan lang niya.
“Shhh . . . relax, Marg. Someone’s glaring at us. Shit, feeling ko pinapatay na ako sa tingin ng kapatid ko,” he humorously said.
“I am fucking calling you, Blare Yvan!” Another roar echoed around the whole place. Blare winked at me and playfully smiled before facing his brother.
Pasimple kong sinulyapan si Blake na ngayon ay nasa harapan na namin, malaya ko siyang napagmasdan dahil hindi na nakaharang si Blare sa akin.
I instantly averted my gaze when I met his green eyes. Hala, bakit ba siya nakatingin? At bakit parang galit na galit siya sa akin? Wala naman kong ginagawa ah, in fact, ako nga ang dapat magalit sa kanya dahil nahuli kong siyang may kahalikang babae kanina pero bigla ko ring naalala na wala nga pala akong karapatang magalit dahil wala naman kaming relasyon.
“Oh, Bro,” painosenteng sagot ni Blare kay Blake na parang ngayon lang niya narinig ang pagtawag nito. Wow naman, humahanga na talaga ako kay Blare dahil hindi lang pala siya sa pagkumbinsi magaling, may talent din pala siya sa pag-arte!
Hindi ko namalayan ang sarili kong tinititigan na pala si Blare dahil namamangha ako sa galing niyang magpanggap. Naalis ko lang ang tingin sa kanya nang biglang tumikhim si Blake, nang lingunin ko siya ay halos mapasinghap ako sa sama ng tingin niya sa akin, he’s clenching his jaws while looking at me as if I’ve done something unforgivable.
I composed myself and arched my brows at him, giving him a what-is-wrong-with-you look but he just ended up rolling his eyes on me. Aba, ang attitude. Muli niyang inilipat ang titig sa kapatid, katulad kanina ay masama ang tingin na ibinibigay niya na para bang handa na niyang baunan ng bala ang bumbunan ni Blare.
“The frat is looking for you, Blare. May inuman sa taas at wala ka na naman.” Kinakausap ni Blake si Blare pero ang tingin niya ay nakapako na naman sa akin—teka, sa akin? Bakit? Ano ba ang ginawa ko?
Pinagmasdan ko lang si Blake mula sa kinauupuan ko at kahit na suot na naman niya ang masungit na mukha at magkadugtong na naman ang makakapal niyang kilay ay ang guwapo niya pa rin. Ang lakas ng dating, ang ganda ng tikas, at ang bango tingnan! Hay . . . Margaux, malala ka na.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)