Chapter 28

216K 5.6K 2.7K
                                    

Pregnancy

"Buntis ka?!" Napayuko ako dahil sa lakas ng boses ni Mamila.

Nataranta ako nang bigla na lamang siyang humawak sa sariling puso at nanghihina na naupo sa mahabang sofa, mabilis namin siyang dinaluhan ni Mago.

"Ang babata niyo pa!" Bakas ang disgusto sa boses ni Tita Cara nang sabihin 'yon.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinaglaruan ang daliri, hindi ko inaasahan ito. Wala nga akong ideya, maging ako ay nabigla.

Naningkit ang mga mata ni Tita Cara. "Alam na ba 'yan ng mga magulang mo?" tanong niya.

"H...hindi pa po," humihikbing bulong ni Kylie. Halos hindi na namin siya marinig.

Nilapitan siya ni Mago at masuyong inalo. "Please, don't cry, Ky."

"Ano ba naman 'tong pinasok mo, Fourth!" lumapit si Tita Cara sa dalawa at humalukipkip sa harapan nila Mago at Kylie.

"Pananagutan ko ang anak namin, Tita," puno ng determinasyon na saad ni Mago.

Hindi ako nagsasalita, tahimik lang ako sa gilid dahil hindi ko inaasahan na mabubuntis ni Mago si Kylie.

Wala nga akong kaalam-alam na may namamagitan pala sa kanilang dalawa. Misteryoso kasi ang kambal ko at wala namang nababanggit sa 'kin si Kylie.

"As you should, Fourth!" Ani Tita Cara gamit ang matalas na tono.

Nagpasya akong dalhin na si Mamila sa silid niya, iniwan na namin silang tatlo sa sala.

"Margaux," gamit ang mahinang boses ay tinawag ako ni Mamila.

"Po?" Tinulungan ko siyang humiga sa kama niya.

"Nagtatampo ka pa rin ba sa 'kin?" malambing ang boses ni Mamila nang itanong niya 'yon.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin, inabala ko ang sarili sa pag-a-ayos ng unan niya.

"Tapos naman na 'yon, Mamila," saad ko kahit na ang totoo ay may konting tampo pa rin akong nararamdaman.

She feels sorry when she heard what happened at the party, Mago and Tita Cara got mad at her. Kung ano-ano raw kasi ang lumalabas sa bibig ni Mamila kaya napahiya ako.

Hindi ko na nga siya napigilan nang puntahan niya ang mga Reifler at nanghingi ng tawad sa mga ito.

Mabuti na lang talaga at sobrang maintindihin at mababait ni Tito Blaze at Tita Amanda, hindi nga nila ako hinusgahan sa kabila ng mga narinig nila.

Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa magulang ni Blake kahit na sabihin pa na naiintindihan nila ako ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng hiya.

Hindi pinaparamdam sa 'kin ng boyfriend ko na may nagbago dahil lang sa mga narinig niya kaya naging mas kampante ako.

Maging ang mga kaibigan namin ay hindi na inungkat pa ang nangyari sa birthday, parang walang ang mga 'yon sa kanila.

"I still feel bad, napahiya ang apo ko dahil sa kagagawan ko," halata ang pagsisisi sa tono ng boses ni Mamila.

Nginitian ko siya ng tipid. "Ayos lang, Mamila. At least napatunayan ko na malaki ang tiwala sa 'kin ni Blake."

"Promise talaga apo, wala ka nang maririnig na gano'ng bagay mula sa 'kin. Quiet na lang ang Lola mo."

I chuckled and kissed her cheek, paano ba naman ako magagalit sa kanya kung ang lambing niya?

Hindi nagtagal ang tampo ko kay Mamila dahil hindi ko siya matiis, kahit na ano'ng gawin niya ay malaki pa rin ang utang na loob namin ni Mago sa kanya.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon