Chapter 38

233K 7.8K 12K
                                    

NNR sa MMR

"TANGA!"

Inilayo ko ang phone sa aking tainga dahil nabingi ako sa lakas ng sigaw ni Roi sa kabilang linya.

"Sinasabi mo ba sa 'kin na kasama mo ngayon ang ex mo pero wala kang ginagawa para mapansin ka niya?"

Tila hindi makapaniwala na saad ni Roi, ngumuso ako at muli kong sinulyapan ang dalampasigan kung saan nakatayo si Blake.

Mag-isa akong naka-upo ngayon sa pinong buhangin, hinahayaan kong humampas sa paa ko ang maliliit na alon.

"Bakit naman ako magpapapansin? Ano'ng tingin mo sa 'kin, KSP?" Umirap pa ako kahit hindi naman niya nakikita.

Hindi naman ako kulang sa pansin, kung ayaw akong pansinin ni Blake edi h'wag.

Simula kasi nang dumating kami apat na oras ang nakararaan ay hindi niya ako kinikibo, isang beses lang din niya ako tiningnan.

"Hindi ka KSP pero KSD ka!" tili ni Roi. Nagsalubong naman ang mga kilay ko, 'di ko kasi maintindihan.

"Anong KSD?" nagtataka kong tanong.

"Kulang sa dilig," aniya at sinundan pa ito ng nakakaasar na tawa.

Tumirik ang mga mata ko sa inis. "Ikaw naman KNV!" pikon kong saad.

"Ano 'yon?"

"Kulang ng vagina!"

"Salbahe kang bruha ka! Bakit below the belt na?" reklamo niya gamit ang maarteng tono.

"Bakit ka ba kasi tumawag?" naiinis kong tanong.

Sinulyapan ko muli ng palihim ang likuran ni Blake pero wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.

"Masama ba? Wala na ba akong karapatan?" madamdaming saad ng bading.

"Arte mo, girl!" natatawa kong biro. Naglikot ang mga mata ko para hanapin siya.

Napayakap pa ako sa sarili ko nang umihip sa balat ko ang malakas na hangin.

"Ano'ng address ng beach resort na 'yan?" bakas ang excitement sa malaki niyang boses na pinipiliit niyang paliitin.

"Bakit ba? Pupunta ka?"

"Basta! Ako'ng bahala sa inyong mga MMR!" makulit na aniya.

Sa huli ay sinabi ko rin ang address ng beach kung nasaan kami ngayon, ang alam ko ay private property ito ni Joji.

Kaya walang masyadong tao at solo lang namin ang buong lugar, iniingatan daw kasi niya ang mga sikat niyang barkada.

"Pupunta ako bukas, girl! Magsasama ako ng dalawa pa, okay?" parang kinikiliti na tanong ni Roi.

"Bahala ka," saad ko, wala akong ganang tumango kahit 'di naman niya nakikita.

Tinapos ko na ang tawag nang magpaalam si Roi. Tumingala ako sa kalangitan upang mapanood ang paglubog ng araw.

Napasinghap ako nang maramdaman ko na may tumabi sa akin. Halos huminto ang pagtibok ng puso ko nang tumama sa ilong ko ang amoy ng mamahalin niyang pabango.

Kahit hindi ko siya lingunin ay alam na alam ko ang pamilyar niyang bango. Nagwawala ang puso ko.

Nanghina ang mga tuhod ko at nanikip ang dibdib ko dahil sa presensya niya sa gilid ko. Gusto kong umiyak at yumakap sa mga bisig niya.

"How was your heart after ruining mine, ma'am?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, mahina ngunit malalim ang baritono niyang boses nang sabihin ang mga 'yon.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon