Chapter 5

302K 9.5K 2.2K
                                    

She plays along

I don’t know what happened. Sa isang iglap lang ay hinihila na ako ni Blake palabas ng gymnasium. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang ang sarili kong nagpapatangay na sa kanya.

Galit na galit ang itsura ni Blake dahil magkadugtong na ang dalawa niyang makakapal na kilay pero kahit ganoon ay ang guwapo pa rin niya sa paningin ko. Nakadagdag pa sa lakas ng dating niya ang malapad niyang balikat at braso pati ang mamasa-masa niyang buhok dahil sa paglalaro ng basketball kanina, pero ang fresh pa rin niyang tingnan at ang bango pa rin ng amoy niya.

Pasimple kong kinurot ang sarili dahil sa mga naiisip ko. Kinakaladkad na nga ako ng lalaking ito palabas kaya pinagtitinginan kami ng ibang estudyante pero heto ako at guwapong-guwapo pa rin sa kanya. Malala na talaga ang tama ko kaya hindi na ako nakakapag-isip nang maayos pagdating kay Blake.

Nagpatianod lang ako sa kanya habang lumalakad siya dahil wala rin naman akong laban kahit na magpumiglas ako. Sa haba ba naman ng biyas ng lalaking ito ay sigurado akong makakaladkad niya ako kung hindi ako susunod sa paglalakad niya. Hindi na lang ako umangal o tumanggi at nanahimik na lang kaysa naman pahirapan ko pa ang sarili ko.

At isa pa, sa aura niya ngayon ay nakakatakot siyang kausapin dahil baka bigla na lang niya akong bulyawan.

Huminto siya sa parking lot ng university kaya napahinto na rin ako dahil hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Blake ang pulso ko. Nakatitig lang ako sa likuran ni Blake. Nauuna kasi siyang maglakad at hinihila lang ako na parang bata. Ang unfair, kahit na nakatalikdo ay guwapo siya; his back is so sexy, malapad ang balikat niya at toned ang muscles . . .

Fuck! Ito na naman ako, I’m doing it again! I’m being mesmerized again by this man. Dapat ay galit ako, dapat ay inis ako, dapat hindi ko siya pinupuri.

Kung gusto ko talaga siyang mahulog sa akin ay dapat ko siyang tiisin at dapat kong ipakita sa kanyang hindi na ako ang Margaux na patay na patay sa kanya, pero ang hirap kasi lalo na kung nasanay akong naghahabol. Hindi naman kasi basta-basta mababago ang matagal nang nakasanayan.

“Why are you always with him?!” Blake faced me with his gritted teeth.

Napaatras pa ako nang bigla niya akong hinarap. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko kaya malaya kong napapanood ang pagkunot ng noo niya maging ang pagdilim ng berde niyang mga mata.
His emerald eyes seemed to turn darker now that he’s mad.

Hindi agad ako nakapagsalita. I am smitten by him, nanunuot sa akin ang bango ng hininga niya, maging ang mamahalin niyang amoy kahit pawisan na. Ipinikit ko nang madiin ang mga mata ko, fuck . . . this is hard . . . ang hirap na hindi siya purihin.

Ganito na lang, I’ll focus on the way he treats me so I will not notice his admirable sides. Tama . . . mas papansinin ko ang nakakainis niyang mga ginagawa para mapigilan ko ang sarili kong purihin siya at maging marupok na naman. Katulad ng sabi ni Blare ay hindi ako dapat bigay-todo sa lalaking ito.

“Damn it! Answer me, Woman. May relasyon ba kayo ng kapatid ko? Is it because I always ignore you kaya sa kanya ka naman lumalapit?!” Ngumisi siya nang mapang-uyam kaya roon na ako natigilan.

Tiningnan ko siya gamit ang hindi makapaniwalang mga mata. Kumirot ang puso ko sa isiping ganoon ang tingin niya sa akin. Tumawa ako nang mapakla at padabog kong binawi ang kamay ko mula sa hawak niya.

I looked at him again and shook my head to show my disappointment. How dare him say that to my face while he’s the one playing with his damn girls?!

I sighed aggressively. I’m trying to calm myself because I can feel my limit already. Pikon na pikon na ako sa ’yo, Blake Yvo.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon