Chapter 24

266K 6.4K 4.3K
                                    

Afraid to lose you.

"Bango naman ng girlfriend ko." Halos mapatalon ako nang may mainit na hininga ang dumapo sa batok ko.

Kalalabas ko lang galing sa banyo ay biglang may yumakap sa 'kin mula sa likuran at binulungan ako.

"Blake! You startled me!" I hissed while looking at him, wide-eyed.

Mabuti na lang ay nakabihis na ako sa loob ng banyo, I have no idea that he's  inside my room.

Napahawak pa ako sa puso ko dahil sa gulat samantalang si Blake ay humiga sa kama ko habang tumatawa ng malakas na para bang aliw na aliw siya sa naging reaksyon ko.

Binato ko siya ng matalim na tingin hudyat na naiinis ako, mabilis naman siyang tumahimik at naupo ng maayos nang makita ang tingin ko sa kanya. Good boy, makuha ka sa tingin!

"Sorry, lovey. Cute mo po kasi," he sweetly said.

Kinuha n'ya ang braso ko at hinila ako pa-upo sa kandungan n'ya. Namula ang mukha ko at nakaramdam ako ng init nang may maramdaman akong matigas sa gitna ng mga hita n'ya.

"What are you doing here?" Bahagya akong tumayo upang iwasan ang kung ano mang tumutusok sa pang-upo ko.

"What kind of question is that? I'm here because my girlfriend is here," saad n'ya sa malambing na tono.

Tuluyan na akong tumayo mula sa kandungan n'ya at lumipat ako ng upo sa tabi n'ya. Bakas ang disgusto sa mukha ni Blake dahil sa ginawa ko pero hindi na lang siya nagsalita.

"Hindi mo sinabi na pupunta ka, 'di ko tuloy napansin na pumasok ka," sambit ko.

Abala kasi ako sa panonood ng cheerleading videos namin kanina  kaya hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa loob ng kuwarto ko.

"I've called you lot of times, 'di mo naman sinasagot kaya pinuntahan na kita," nakanguso na n'yang saad.

Nagsalubong ang kilay ko, wala naman akong narinig na nag-ring kaya kinuha ko ang phone ko sa side table para tingnan kung tumawag nga siya.

28 missed calls from Lovey.

"Sorry, baka nasa shower ako that time kaya 'di ko nasagot." Sinilip ko ang mukha ni Blake at nakatitig na naman siya sa 'kin.

Lihim akong napangiti, minsan pakiramdam ko ay malulusaw na lang ako bigla dahil sa klase ng titig na binibigay sa 'kin nitong boyfriend ko.

"I thought you're mad at me.  kinabahan ako, I thought I did something wrong again," bulong ni Blake.

Tumawa ako ng malakas dahil sa sinabi n'ya, noong isang beses kasi ay nagalit ako sa kanya dahil binasa n'ya bigla ang mga messages sa phone ko nang hindi ko alam.

Ayaw ko pa naman ng gano'n, kahit na boyfriend ko siya ay dapat alam n'ya ang limitasyon ng mga ginagawa n'ya lalo na kapag personal na bagay.

Wala naman akong tinatago sa kanya pero may mga personal messages kasi minsan sila Vanessa at Donna sa 'kin tungkol kina Blare at Blade, ayaw ko naman na pati ang mga 'yon ay mabasa pa ni Blake.

Girls talk will always be a top secret!

I will let him look at my phone if he ask for my permission first but he invaded my privacy that's why I got mad at him.

Hindi ko siya pinansin ng isang buong araw noon kaya ngayon ay mukhang nadala na siya.

"Silly, bakit ako magagalit? May ginawa ka ba?" I humorously asked. Pinipigil ko ang tawa, pinanliitan ko pa siya ng mga mata.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon