Little one.
It's been a month since Blake left.
Iniwan niya ako.. dahil yun ang gusto ko kaya wala akong karapatan na maging malungkot ngayon.
Pinukol ko ang tingin sa kawalan bago ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
I miss him so much. I've been longing for him ever since he left, it stresses me out and it's not good for my condition.
Sobrang emosyonal ko na, isipin pa lang ang mukha niya lalo na ang berde niyang mga mata ay naiiyak na agad ako.
"You sighed deeper than the ocean, girl!" Kinalabit ako ng mapilantik na daliri ni Roi.
Hindi ko siya nilingon, ibinagsak ko na lang ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa dito sa loob ng cafeteria.
Kanina pa ako nahihilo, ilang beses na rin akong bumalik sa banyo dahil parang hinahalukay ang sikmura ko.
"Ayos ka lang, Marg?" Naramdaman ko ang haplos ni Vanessa sa buhok ko.
Tinanguan ko siya, nanatili pa rin ang ulo ko na nakabagsak sa lamesa. Kapag gumagalaw ako ay bigla na lang sumasama ang pakiramdam ko.
"Ano'ng nangyari kay Margaux?" Kahit nakasubsob ang ulo ko ay alam kong si Kylie ang nagsalita.
Si Vanessa ang sumagot. "Matamlay, she's been like that for the past weeks," she gently said using her concerned tone.
Naramdaman ko ang paglapit ni Kylie sa akin. Inilagay niya ang likod ng palad sa noo ko. "Do you want me to call Mago? Ipapahatid na kita pauwi."
Tinaas ko ang tingin sa kanila at sumandal na lamang sa upuan. I can feel my lower back aching.
Sa magkabilang gilid ko ay nakaupo si Vanessa at Kylie, nasa tapat ko naman si Roi. Silang tatlo ay binabato ako ng nag-aalalang tingin.
"Relax, guys," mahina akong tumawa. "Normal lang 'to sa bu--" kinagat ko ang labi upang pigilin ang sasabihin.
Muntik na akong madulas. I should be more careful with my words.
Magkasalubong ang kilay ni Vanessa nang silipin niya ang mukha ko. "Normal sa ano?"
"That's not normal, girl. You are pale as a vampire," maarteng bulong ni Roi.
He's part of our group now, alam na ni Don, Van at Ky na boylet din ang totoong hanap niya.
Madalas nga lang siyang pagselosan ni Blare, Blade at Mago.
Naramdaman ko ang mariin na titig ni Kylie, tahimik lamang siya na nagmamasid sa amin, nang lingunin ko siya ay sumalubong sa 'kin ang nagdududa niyang mga mata.
Iniwasan ko agad ang tingin niya at pasimple kong hinawakan ang puson ko. Alam kong may nabubuo ng ideya sa isipan niya.
"Bakit ka pala nandito, Ky?" I cleared my throat, pretending to act normal.
She shrugged. "Nag-quit ka na rin sa cheer squad?" tanong niya sa 'kin.
Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala naman siyang balak na mang-usisa pa.
"Yeah" Tipid akong ngumiti.
Naglikot ang mga mata ko upang humanap ng dahilan.
"H..hindi na kasi kaya ng schedule ko, hectic ang second semester," bulong ko. Umaasa ako na sana ay kagatin nila ang palusot ko.
Ang totoo niyan ay iniiwasan ko na ang mga bagay na delikado, hindi na lang sarili ko ang iniingatan ko ngayon.
"Gano'n ba?" tanong ni Kylie. Ang mga mata ay nagdududa pa rin.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
Genel KurguThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)