Chapter 48

373K 8.2K 8.8K
                                    

Mommy

"Can I wisten, pwease po?"

"Pawinig po ako!"

"Shh, keep quiet kids, mommy's sleeping."

Nagising ako dahil sa mga bulong sa paligid ko, pakiramdam ko rin ay may kung anong mabigat na nakadagan sa tiyan ko.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at ganoon na lamang ang gulat ko nang maabutan ko ang mag-aama ko na nakapatong ang mga tainga sa tiyan ko.

"What are you doing?" paos kong tanong.

Nagtaas naman ng mukha si Blake at nginitian ako ng malaki. Si Yvo at Lei ay patuloy na tinatapat ang mga tainga sa ibabaw ng tiyan ko na animo ay may pinapakinggan mula roon.

"Good morning, lovey," malambing na bati ni Blake bago ako hinalikan sa noo.

"Good morning," mahina kong bati sa kanya bago ko balingan ang mga bata. "kids, ano'ng ginagawa niyo sa tummy ko?"

Humagikgik si Lei at tahimik na tumawa si Yvo bago nila ako nilapitan at sabay na hinalikan sa magkabila kong pisngi.

Naluha na naman ako, para pa rin akong nananaginip sa tuwing nakikita ko na magkasama ang kambal kong mga anak.

"Nakikinig po kami sa heawtbeat ni baby mini Mawleigh," namamagha na saad ni Lei at hinawakan pa ang tiyan ko.

"Wei! The baby's name is baby mini Brywe," nakasimangot na kontra ni Yvo sa kambal niya.

Baby mini Marleigh ang tawag ni Lei sa baby na pinagbubuntis ko habang baby mini Bryle naman ang tawag ni Yvo rito.

Napailing ako. "Mahina pa ang heartbeat si baby mini Blakey," ipinakita ko ang daliri ko. "Ganito pa lang siya kaliit oh, sino ba nagsabi na maririnig niyo na ang heartbeat niya?"

Napanguso ang dalawa at sabay na tinuro si Blake na nakamasid lang sa amin. Nang lingunin ko siya ay bigla siyang nagkamot ng batok.

"Akala ko kasi pwede na namin marinig," parang bata niyang saad.

Napailing ako at hinarap ang dalawang cute na bata. Halos isang linggo pa lang ang nakalipas simula nang malaman namin ang resulta ng test at nagkakilala si Yvo at Lei pero naging magkasundo na sila, ganoon siguro kapag kambal ang mga bata.

"Can we name him, Brywe wike my name?" nakalabing tanong ni Yvo sa akin.

"No Bwyle! We will name hew Mawleigh like my name," nakasimangot na saad naman ni Lei.

Nalukot ang mukha ni Yvo. "Brywe!"

Nagsalubong ang kilay ni Lei. "Mawleigh!"

"Brywe!"

"Mawleigh!"

Alright, binabawi ko na ang sinabi kong nagkasundo sila dahil madalas silang magtalo tulad na lang nito.

Siniko ko si Blake. "Awatin mo sila."

Agad naman siyang sumunod, inabot niya ang buhok ng dalawang bata at parehong ginulo ang mga 'yon.

"Ang mga anak ko, mga bulol," nagkamot ng batok si Blake. "Hindi naman kayo maintindihan ni Daddy."

"Kids, we will name the baby after Daddy, okay? And besides.. hindi pa naman natin alam kung boy or girl siya," sumingit na ako sa usapan nila.

"Why do you keep on saying that he's my daddy, too?" Nagtatanong ang mga mata ni Lei habang nakamasid sa akin.

"And why do you keep on saying that I need to caww her mommy?" tukoy sa akin ni Yvo, ang kinakausap ay ang daddy niya.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon