No regrets.
After 6 years...
"Oops, sowwy po!" Tumulis ang maliit at mapulang nguso ni Marleigh.
"Careful, Lei." Pinulot ko ang sandok na nahulog niya sa sahig ng kusina.
Kanina pa niya ito pinaglalaruan at ayaw bitawan. Prente siyang nakaupo sa kitchen counter habang pinapanood akong magluto.
"What are you cooking po?" Sinilip niya ang stove, hininaan ko ang apoy nito bago humarap sa kanya.
Kinurot ko ang mataba niyang pisngi, ang cute! "Your favorite," sagot ko.
Namilog ang kulay brown niyang mga mata. "Fwied chicken po?" She excitedly mumbled.
I chuckled. "Yes!"
Itinaas niya ang dalawang mabilog na mga braso sa ere. "Yehey!"
"Pero mamaya pa tayo kakain, hindi pa kasi luto ang chicken." Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok.
Sumimangot ang bata at naiinip na tinitigan ang stove gamit ang mapungay na mga mata.
"I'm bowed po," maktol niya.
"Why don't you watch your favorite Disney movies?" I suggested.
Muli akong bumalik sa harapan ng stove upang ibiling ang manok.
"Can I watch Cindewella, Fwozen and Bwave?" Bulol na tanong aniya.
Actually matatas naman magsalita si Marleigh, nahihirapan nga lang siyang bigkasin ang letter 'r' ng malinaw.
"Yes, baby. Tara na sa living room." Pinangko ko siya at binuhat kahit na mabigat talaga siya.
Chubby kasi ang batang ito pero sobrang cute at sweet naman.
"Lovey!!!"
Sabay kaming napalingon kay Monroe, humahangos ang batang lalaki papunta sa amin. May hawak pa siyang remote control ng TV.
"What's wrong, Roe?" tanong ko, ibinaba ko na si Lei dahil naglikot ito.
Hinawakan ni Monroe ang kamay ko at nagtatalon habang tinuturo ang TV.
"Your favorite basketball player is on the news again!" Hinila niya ako patungo sa living room.
Napangiti ako nang masilayan ko ang mukha ni Blake sa balita. His team won the championship again.
"With Blake Reifler's scoring 33 points, including two free throws within 7.8 seconds left to seal the win, the Chivalry won its third consecutive gold medal."
Tinitigan ko ang guwapo niyang mukha, malapad ang ngiti sa labi niya habang hawak ang malaking throphy.
I never regret leaving him, my pain and sacrifice six years ago were all worth it.
Look at him now, one of the highest paid basketball player in the US.
"You built that man, you made him who he is today, Marg," saad ni Donna.
Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya, hawak niya ang kamay ni Marleigh.
Pasimple kong pinunasan ang mga luha na hindi ko namalayang tumulo na pala mula sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
Narrativa generaleThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)