When in Batangas
Dinama ko ang sariwang hangin na humahaplos sa balat ko, ramdam ko rin ang paglipad ng mahaba kong buhok.
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag presko at natural ang nasa paligid at hindi puro matataas na buildings at mausok na kalsada.
"Bricks, ano nga ulit name ng beach na 'to?"
Tanaw na tanaw ko si Joji, Russ at Bricks mula sa car park kung saan ako nakatayo ngayon.
Nagtatakbuhan silang tatlo sa dalampasigan na para bang mga bata na matagal kinulong at ngayon lang pinakawalan.
"Virgin beach, I guess?"
"Sana all virgin!" Hindi ko na napigil ang tawa ko nang isigaw 'yon ni Joji ng malakas.
Parang tanga, napatingin tuloy sa kanila ang ilang naglalangoy sa dagat. Nakakahiya talaga ang tatlong 'yon.
"Why are you laughing, lovey?" Kinilabutan ang buong katawan ko nang dumampi ang mainit na hininga ni Blake sa batok ko.
Nakangiti ko siyang hinarap, ang guwapo ng boyfriend ko, sumasabay sa hangin ang ang medyo kulot n'yang buhok at natatamaan ng sikat ng araw ang berde n'yang mga mata.
"Para kasing sira sila Joji," saad ko sa natatawang tono.
Itinuro ko pa ang tatlo n'yang teammates na ngayon ay hinubo na ang mga pantalon na suot at nagtampisaw na sa dagat.
"Don't look at them," masungit na aniya. Kinabig pa n'ya ang bewang ko upang mapalapit ang katawan ko sa katawan n'ya.
"Gusto mo sa 'yo lang ako tumingin?" Ngumisi ako nang mapang-asar.
"Of course, sino ba boyfriend mo?" suplado n'yang sambit. Pinasok pa n'ya ang kamay sa bulsa ng suot na shorts.
Imbes na sagutin ko siya ay hinagod ko na lamang ng tingin ang kabuuan n'ya. Ang guwapo!
Simpleng white polo shirt ang suot n'ya sa taas at blue khaki shorts naman sa ibaba, may print pa 'yong ocean waves terno ng dress na suot ko.
He looks effortlessly expensive, kaya hindi ko masisisi ang ibang babae na napapalingon sa kanya, tindig at tangkad pa lang naman kasi ni Blake ay nakakalula na.
"Where's our luggage?" tanong ko nang mapansin ko na hindi n'ya dala ang mga gamit namin.
"Pinadala ko na sa loob," simple n'yang saad. Inakbayan n'ya ako at sabay na kaming naglakad papunta sa hotel.
Bago kami pumasok ay pinindot muna n'ya ang susi ng pula n'yang Maserati para masigurado kung naka-lock na ba 'yon.
Bago ang sasakyan na gamit n'ya, sabi n'ya ay kay Tito Blaze 'yon. Convoy lang ang pagpunta namin dito sa Batangas at mas mabilis ang naging biyahe dahil sports car ang mga sasakyan nila.
"Bakit hindi mo na ginagamit 'yong Ferrari mo?" I curiously asked.
Nadaanan ko kasi ng tingin ang sasakyan ni Blade at Blare na kapareho ng sa kanya, iba lang ang kulay.
Noong 20th Birthday kasi ng triplets ay niregaluhan sila ni Tito Blaze ng limited edition na sports car galing pa sa Germany. Customized 'yon at silang tatlo lang ang mayroon sa Pilipinas.
Natigilan siya sa tanong ko, matagal muna n'ya akong tinitigan bago bumuka ang bibig n'ya, akala ko ay may sasabihin siya ngunit isinara n'ya ulit 'yon.
Kumunot ang noo ko, hindi n'ya ako masagot, siguro ay nasira n'ya. Madalas kasi siyang makasira ng sasakyan noon pa man.
"Nasira mo ba?" I asked again. Sayang 'yon kung totoo man ang hinala ko.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
Fiksi UmumThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)