Chapter 6

300K 8.5K 1.8K
                                    

Level Up.

I was left with no choice; they didn’t even give me options. Talagang planado ng mga ’yon na pilitin akong isama kahit na ipinaalam kong ayaw ko. Those guys!

I immediately went upstairs to fix my things and take a quick shower before getting dressed, isang simpleng white sleeveles croptop at faded denim shorts lang ang isinuot ko na tinernuhan ko ng white sliders.

Ayaw ko nang mag-effort pang mag-ayos dahil sa beach lang naman kami pupunta at wala ako sa mood magpaganda pa dahil napilitan lang naman ako.

I am tying my hair while checking my bag, nang masigurado kong nandoon na lahat ng kailangan ko maliban sa bikini ay mabilis akong nagtatakbo patungo sa walk-in closet para kumuha ng dalawang pares ng two-piece bikini. Hindi ito puwedeng mawala lalo na at beach ang pupuntahan namin.

Nang matapos na akong mag-ayos ay kaagad na akong bumaba patungo sa sala, wala na roon si Blare kaya dumiretso na ako sa mini office ni Mamila para magpaalam.

I knocked three times before entering.
Naabutan ko siyang nakaupo sa harapan ng computer habang nakikinig sa mga foreigner na ka-meeting niya online.

“Mamila,” I called her as I walked towards her desk. Bahagya lang niya akong sinulyapan at itinaas ang kamay upang ipahiwatig na maghintay ako.

Ilang segundo lang ay inikot na niya ang kinauupuang swivel chair upang harapin ako. She raised her thin brown brows at me. “Saan ang lakad, Hija?”

“I’m going to La Union, Mamila,” I told her casually. “Kasama ang frat at si Donna. We’ll be back the day after tomorrow.”

Bahagyang tumango si Mamila, “How about Fourth?” tukoy niya sa kambal ko. Nagkibit naman ako ng balikat at inilabas ang phone ko upang ipakita ang reply sa akin ni Mago noong nag-text ako sa kanya kanina bago ako maligo.

“I texted him, sabi niya ay susunod na lang siya sa amin.” Itinago ko na ang phone ko pagkabasa niya sa reply ni Mago.

Inabot ni Mamila ang champagne glass na nasa gilid ng computer, inubos niya ang laman nito bago ako binalingan muli ng tingin. “I had a meeting with the foreign investors, some of them are pulling out their investments,” she told me.

Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang sinilip ang monitor ng computer, bumungad sa akin ang report ng data tungkol sa stock market trading.

Malinaw na malinaw na malaki nga ang ibinaba nito kumpara noong nakaraang buwan. Bahagya kong sinilip si Mamila na mukhang hindi naman gaanong naaapektuhan.

Sumandal ako sa desk patagilid kay Mamila at pinanood ko siyang magsalin muli ng champagne sa wine glass. “Is there anything I can do to help?” I asked.

Ipinilig ni Mamila ang ulo at bahagyang tumango. “Actually, the best thing that you can do is to get a Reifler husband,” she mocked me, “There are three Reiflers around you, you should wrap one of them in your finger so we can use their connections.”

Hindi ko mapigilan ang madismaya sa sinabi ni Mamila. Bata pa lang ako ay alam ko na kung gaano siya kamukhang pera at alam ko rin kung gaano kayaman at kamaimpluwensya ang mga Reifler sa larangan ng pagnenegosyo pero hindi naman tamang gamitin lang sila dahil matagal nang magkaibigan ang pamilya namin.

“Alis na po ako.” ’Yon lang ang sinabi ko bago siya talikuran. Ayaw ko nang magtagal pa ang usapan namin ni Mamila dahil hindi ko gusto ang mga naririnig mula sa kanya.

“Use your goddamn pretty face and body! Huwag kang gumaya sa mama mong nakuha na si Blaze Reifler pero hinayaan pang makuha ng iba!” pahabol niyang sigaw sa akin bago ko padabog na isinarado ang pintuan ng office niya. Pinakalma ko muna ang sarili bago nagsimulang maglakad palabas ng bahay.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon