Chapter 50

274K 6.5K 11.3K
                                    

Beginning to the very end

"Where are we going, mommy?" tanong ni Yvo habang nakasilip ang ulo mula sa backseat ng sasakyan

"H'wag malikot, anak," paalala ko sa kanya dahil kanina pa siya naglilikot.

"Hindi naman po ako mawikot, mommy ko," malambing nitong sagot at inabot ang kamay ko para halikan.

Napangiti ako sa ginawa ng anak ko, napansin ko rin ang malawak na ngiti ni Blake habang nagmamaneho.

"We're raising a mommy's boy, lovey," bulong ni Blake sa akin, bahagya pa niya akong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

"I'm not mommy's boy po! I am a gentweman," nakanguso na hinarap ako ng bata. "Right, mommy ko?"

Hindi ko na napigilan na kurutin ang mapula niyang pisngi, kagigil ang mga anak ko. "Opo, gentleman ka, kuya."

Malaki ang ipinakitang ngisi ni Yvo kaya lalo siyang naging kamukha ng daddy niya.

"Narinig mo, Wei?" binalingan nito ang kambal. "Sabi ni mommy ko, gentweman ako."

Natawa ako ng mahina dahil sa pagyayabang niya sa kambal niya.

"Shh! Ang noisy mo naman, Monwoe is sleeping nga sabi," supladang sagot ni Lei sa kapatid.

Pumihit ako at nilingon silang tatlo sa backseat ng sasakyan. Nasa gitna ng dalawang lalaki si Marleigh at naka-upo silang tatlo sa car seat, tulog na tulog nga si Roe at nakapatong ang ulo nito sa balikat ni Lei.

"Ganon? Bakit nung sweeping ako, you put ipis on my hair? Pero kapag si Roe, ayaw mo ako maging noisy?" bakas ang sama ng loob sa maliit na boses ni Yvo.

"Kids, h'wag mag-away. Baka lumabas bigla si baby sa tummy ni mommy kasi maingay si ate at kuya," malambing akong sumingit sa usapan nilang dalawa.

Umangat ang gilid ng labi ni Blake sa gilid ko at pasimple niyang hinimas ang tiyan ko gamit ang libreng kamay.

Sandali niya akong sinulyapan bago ituon muli ang tingin sa harapan ng kalsada.

"Ang tagal naman lumabas ni baby, gusto na ni Daddy na gumawa ng bago," pilyo niyang saad.

Kumunot ang noo ko at pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran. Tingnan mo ang lalaking 'to, apat na buwan pa lang ang tiyan ko pero gusto na agad gumawa ng pang-apat.

"Lovey naman," nakanguso niyang saad at hinuli ang kamay ko na kumukurot sa kanya.

Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at masuyo iyong hinalikan. Nawala ang kunot ng noo ko at napalitan iyon ng ngiti, lalo kasi siyang nagiging sweet sa akin.

"Stop it nga, Yvo!" nilingon ko muli ang mga bata dahil halata na ang inis sa boses ni Lei.

"Ano na naman nigawa ko?" Yvo frustratedly asked.

Umirap si Lei. "Naglilikot ka kasi, sabi ko behave ka lang dapat kasi sleeping nga po si Monwoe!" mahina ngunit inis ang boses ni Lei.

"Monroe this! Monroe that! Hay nako, Mawleigh, you have your favorite!" nagtatampong saad ni Yvo.

He crossed his little arms and rolled his eyes, napailing ako kasi ganoon din mag-suplado si Blake noon.

"Because Monwoe nevew hawot me and you always do," umirap din si Lei.

"No! You're just pikon, niaano ba kita? Sabi ko lang naman umaalog lagi cheeks mo kapag tumatawon ka," nakalabing saad ni Yvo.

"Daddy! Daddy ko, si Yvo nga po!" nagtutubig ang mga mata na sumbong ni Lei sa daddy niya.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon