Chapter 30

245K 6.1K 4.6K
                                    

Revelation

"Kailan ang uwi ni Blake?" tanong ni Kylie sa 'kin ngunit ang mga mata niya ay nakapako sa ultrasound picture.

Confirmed, she's three months pregnant.

Kinagat ko ang labi at excited na ngumiti. "Sa Birthday ko."

Isang buwan na ang nakalipas simula nang mag-aral si Blake sa California, miss na miss ko na siya at aaminin ko na mahirap ang long distance relationship dahil lagi ko siyang hinahanap.

Mabuti na lang at nagsimula na rin ang second semester sa University, kahit paano ay nawawala sa isip ko ang pangungulila sa kanya.

"Next week na pala," aniya at ngumiti sa 'kin ng tipid. "Ano kaya ang gustong gift ni Mago?"

Lumabi ako at kinuha ang ultrasound picture. "Anything will do, his baby is his biggest gift," sabi ko.

Malaki ang naging ngiti ni Kylie, tumayo na kami nang dumating ang Obgyne niya.

Ako ang kasama niya sa check-up dahil busy ang kambal ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng magulang ni kylie na buntis siya.

Dumiretso kami sa University pagkatapos ng check-up niya. Nagmamadali kong tinungo ang locker room dahil late na ako sa practice namin.

Nagbihis ako ng cheerleading uniform at akmang lalabas na sa locker room ngunit napahinto ako nang may tumawag sa 'kin.

"Margaux." Nilingon ko kung sino 'yon, si Lucy.

Katulad ko ay nakasuot din siya ng cheerleading uniform, nakasandal siya sa hamba ng pintuan at mariin ang titig sa akin.

My brows winged up. "Yes, Lucy?"

She crossed her arms. "Can we talk?"

Nilapitan ko siya, nilingon ko ang paligid at kami lang dalawa sa loob ng locker room.

"About?" I cleared my throat.

Umayos siya ng tayo at pinantayan ako ng tingin, ngumisi siya sa akin at hindi ko 'yon nagustuhan.

"Let's talk somewhere," she suggested.

"You can say it here," nagkibit ako ng balikat.

Wala akong tiwala sa babaeng 'to.

She sighed, kinuha niya ang phone at nagtipa. "Wait lang ha, hindi kasi ako ang may gustong sabihin sa 'yo, hintayin natin siya."

Sinipat ko ang wristwatch. "I don't have time, Lucy. May practice ako."

Nilagpasan ko siya at naglakad na ako palabas ng locker room ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may malaking kamay na ang humawak sa braso ko.

I looked up just to see Kirby in front of me, he's staring at me intently. Napapaso kong inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Napasinghap ako nang ipasok niya akong muli sa loob ng locker room.

"Margaux," paos ang boses niya.

May ibinulong siya kay Lucy, mabilis namang tumango ang babae at iniwanan kami sa loob, narinig ko pa ang pag-lock niya sa pintuan.

Kinabahan ako, mabilis kong tinungo ang pinto ngunit agad akong nahuli ni Kirby.

"What do you want, Kirby?" Humakbang ako palayo sa kanya.

Hindi ko gusto ang tingin na ibinibigay niya sa 'kin. Seryoso ang mukha niya maging ang itim na itim niyang mga mata na para akong pinapaso.

"I want you to listen to me," bulong niya gamit ang seryosong boses.

"A..about?" Niyakap ko ang sarili, nakakakilabot ang titig niya, pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa klase ng tingin niya.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon