Chapter 41

274K 6.8K 2.6K
                                    

Talk(aan)

THIS CHAPTER IS RATED SPG. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. (Skip ng minors, please.)

Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Nang buksan ko ang mga mata ko ay sumalubong sa akin berdeng mga mata ni Blake.

"How was your sleep?" malambing niyang tanong, ang tingin ay nakapako pa rin sa mukha ko.

"Hmn.. good," mahina kong sagot, hindi ko alam kung nakaabot ba 'yon sa pandinig niya.

"Still sleepy?" bulong ni Blake gamit ang malambing na boses.

Sandali akong umiling at nag-iwas ng tingin, kanina pa siya nakamasid sa akin at pakiramdam ko ay malulusaw na ako sa klase ng titig niya.

"Blake.." kinagat ko ang sariling labi nang maglandas ang kamay niya sa buhok ko at nilaro ang ilang hibla nito gamit ang daliri niya.

"Can we talk now?" tanong niya muli, mas inilapit niya ang sarili sa akin.

Tipid akong tumango at umayos ng upo sa ibabaw ng kama. Dapat ay kanina pa kami mag-uusap kaya lang ay hinila ng antok ang katawan ko dahil sa pagod at takot kagabi.

Umayos din siya ng upo ngunit ang mga mata ay hindi inaalis sa akin. Malamlam ang bagsak ng mga mata niya habang pinapanood ang bawat kilos ko.

"Isang tanong, isang sagot lang, Margaux.. h'wag na natin patagalin," seryoso at diretso niyang saad.

Tumango muli ako at hinigpitan ang hawak sa sapin ng kama. I decided to tell him everything that happened for the last six years of my life without him. 

"It might have been simple for you to leave. . . It wasn't for me. I offered you everything that I have and everything that I could give." He closed his eyes to suppress his emotion. "Why did you left like I was never a reason to stay?" he asked directly.

Nilabanan ko ang mga titig niya bago magsalita, pinipilit kong pigilan ang luha na maglandas mula sa mga mata ko. Ayaw kong umiyak, ayaw ko nang umiyak.

Bakas ang sama ng loob at sakit sa boses niya, tila ba ang tagal niya itong itinago.

"Because I love you too much.. I want to see you reach your goals and prove everybody who doubted you.. Iniwan kita kasi sobrang mahal kita, Blake.. ginawa ko 'yon para matupad mo lahat ng pangarap mo."

Naglandas na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na masabi ko ang mga 'to sa harapan niya.

Blake's face was emotionless, nakikinig lang siya sa akin pero ang mga mata niya ay punong-puno ng emosyon.

"Hindi mo ba naisip na ikaw lang ang pangarap ko noon, Margaux? I can risk it all for you," kalmado niyang saad.

"That's the point, Blake. I don't want you to risk it all for me.. ayaw ko na ako ang maging dahilan kung bakit hindi mo narating ang gusto mong marating."

Natigilan siya at hindi agad nagsalita, nakatingin lang siya sa akin na para bang iniisip niya ang mga tamang sabihin.

"We had a chance to make it work. You would have fought for us if you were genuinely in love with me," he sighed deeply. "But you didn't."

"That was the right thing to do that time," I whispered, my voice implying that I am retreating.

"If that was the right thing.. then why everything went wrong?" Paos ang boses ni Blake.

"I'm sorry..."

"I missed you for too long, Margaux." He reached out to hold my hand. "It's killing me."

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon