Never Again
'Blake Reifler confirms rumors about leaving the Chivalry.'
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang balita. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga kayang gawin ng lalaking 'yon.
He's the rising star, nasa gitna siya ng kasikatan pero heto at nababalita na aalis siya sa kanyang basketball team.
Naiinis kong pinatay ang TV at minabuti ko na lamang na pumasok sa loob ng kuwarto. Halos dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang iwanan ko ulit siya pero hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang loob ko.
Sa tuwing iniisip ko ang nagmamakaawa niyang berdeng mga mata ay gustong-gusto ko siyang balikan, gusto ko siyang yakapin at kalimutan na lang ang lahat.
Pero hindi naman kasi gano'n kadali ang sitwasyon namin, may anak na siya sa iba at ayaw kong masira ang pamilya ng bata dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nang lumaki na walang ama.
Huminga ako ng malalim at muling inisip ang sinabi sa akin ni Kirby.
'Lucy is infertile, she can't bear a child.'
How is that possible? Ang sabi ni Blake ay positive ang resulta ng mga DNA test na ginawa niya, sa kanya ang bata pero ang sabi naman ni Kirby ay walang kakayahan na magbuntis si Lucy.
Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung ano ang totoo dahil ayaw kong magtiwala ng buo kay Kirby.
I know what he's capable to do, he can lie a thousand of times without even blinking. Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit 'di ko magawang maniwala sa mga sinasabi niya.
Tinanong ko si Vanessa tungkol doon, may mga cases at possibilities din daw kasi na maaring magbuntis ang babae kahit matagal itong infertile.
Pinag-isipan ko ng mabuti kung sasabihin ko ba kay Blake ang nalaman ko o hindi, baka kasi nagsisinungaling lang si Kirby at magmukha akong tanga na sinisiraan lamang si Lucy.
Kinuha ko ang teddy bear sa gilid ko kung saan nakasuot ang damit ng anak ko, niyakap ko 'yon ng mahigpit.
Muli na namang nagtubig ang mga mata ko sa isipin na nangungulila pa rin ako sa anak namin pero siya ay nagkaroon na ng anak sa ibang babae.
Sa ganoong posisyon ay nakatulog ako, nagising na lamang ako dahil sa munting katok sa labas ng pintuan.
"Marg, are you awake?" ang mahinang boses ni Donna ang nagpadilat sa akin.
Sinipat ko ang orasan sa bed side table bago bumangon. Hapon na pala at hindi ko namalayan ang oras, ang haba nang naging tulog ko, napapansin ko rin na nagiging antukin ako nitong mga nakaraang linggo.
"Marg, gising ka na?" mas lumakas ang boses ni Dons na para bang may importante siyang sasabihin.
"Oo, lalabas din ako. Sandali lang," sigaw ko upang marinig niya ng maayos.
"Bilisan mo ha? May bisita ka!" saad niya, napakunot ang noo ko dahil wala akong ideya kung sino 'yon.
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo upang maghilamos. Mabilis akong lumabas ng kuwarto pagkatapos para malaman kung sino ang bisita ko.
Natigilan ako nang maabutan ko si Blake na nakaupo sa sala. Nakayuko siya at sapo ang sariling mukha.
Hindi ako nagdalawang isip na magtatakbo muli pabalik sa loob ng kuwarto, ang lakas ng tibok ng puso ko, ayaw ko siyang makita pa dahil natatakot ako na baka hindi ko na mapigil ang sarili ko.
Ano'ng ginagawa niya rito? Sinundan na ba niya ako? Kinagat ko ang sarili kong labi at nanghihina akong napaupo sa kama.
"Lovey," mahina at paos na boses ang narinig ko mula sa labas ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)