Chapter 8

305K 8.4K 1.8K
                                    

She's the game.

I’m not dreaming, the kiss was real and I can still feel it on my lips. I blinked thrice as I carefully touched my bottom lip, damn.

“Girl! Hawak mo na naman ’yang labi mo.” I snapped up from my reverie when Donna spoke, nginisian niya ako nang nakakaloko kaya inirapan ko siya. Mabilis kong inalis ang daliri sa labi at pilit na kinalimutan ang nangyari kanina.

I was spacing out, inaalala ko na naman ang halik na natikman. Nakakabaliw pala talagang mahalikan ng isang Blake Yvo. No wonder girls are willing to sell their soul just to taste his lips, he’s an expert.

Ilang oras na ang nakalipas matapos akong nakawan ng halik ni Blake sa loob ng sasakyan niya—kung nakaw nga bang maituturing ’yon dahil kung tutuusin ay gustong-gusto ko kung paano niya inangkin ang labi ko.

Sa isang malaking beach house sa La Union kami pumunta. Nakapagpahinga na rin ako kasama si Donna pero heto pa rin ako at patuloy na iniisip kung gaano kalambot ang labi niya, his lips against mine was intoxicating.

“Care to tell me what happened inside Blake’s car?” Napasimangot ako dahil sa tanong ni Donna, she is smirking like she knows something.

I want to forget what happened earlier but how?! That was one of the good memories that I’ve shared with Blake! Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko at gustong-gusto kong tumalon sa tuwa dahil sa ginawa niya but I refuse to do it, I refuse to allow myself to be seduced by his hot kiss!

I don’t want to assume things, halik lang naman ’yon para sa kanya, I know it has nothing to do with me. Everyone knows how much Blake play with girls and I don’t want to be like those girls.

I am a woman and I want to be his only woman.

“Nothing happened!” tanggi ko na ikinatawa naman ni Donna. Napailing na lang ako at sinimulan na ang paghahanap ng swimsuit na isusuot ko mula sa luggage na dala.

When I found the red two piece ay pumasok na ako sa banyo upang magpalit. Isang maikling maong shorts at manipis na white crop top ang ipinatong ko sa red two-piece na suot, I paired it with white flip flops and I let my long wavy hair sway against my back, hinayaan ko na ring lumitaw ang hikaw ko sa pusod. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin, dang it! I look hot as hell.

Nang makuntento na ako sa itsura ay nagpasya na akong lumabas ng banyo. Naabutan ko si Donna na nakasuot ng white and baby pink na rash guard na hanggang tuhod ang haba pero hindi pa rin nito naitago ang magandang hubog ng katawan niya, it also showed how big Donna’s ass and boobs are.

Napailing ako at nilapitan siya. “Dons, may extra akong two-piece dito, try mo kaya?” I offered, mula sa pag-aayos ng gamit ay nilingon ako ni Donna at tumawa nang mahina habang umiiling. I rolled my eyes, kahit kailan talaga ang babaeng ito!

“Margaux, you know how much Blade hates it when I’m wearing shorts or sando, two piece pa kaya?” aniya. Napanguso na lang ako. Bakit ko ba nakalimutang si Blade Reifler ang boyfriend ni Donna? Sobra ang possessiveness ng lalaking ’yon.

I never saw Donna wear something revealing since then, bantay sarado masyado ito ni Blade mula sa isusuot, sino ang kasama, at ano gagawin. Minsan nga ay ako na ang nasasakal para sa kanya, she never experienced to wear or do whatever she wants because all her life ay nakatali siya sa nobyo but she seems so happy kaya hinahayaan ko na lang sila.

Alam ko naman na masaya si Donna kaya hindi ako gagawa ng kahit anong ikakawala ng saya na nararamdaman nila.

“Oh well, how can I forget that Blade can pull out every man’s eyes when they look at you,” nakanguso kong saad na ikinatawa ni Donna.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon