Love or Dreams.
Dalawang araw na ako sa California kasama si Blake, sa loob ng dalawang araw na 'yon ay hindi niya ako iniwan.
We just spent our time together, we made love-- a lot, in every corner of his apartment whenever we want.
We watched movies together, cooked together and talked about what happened to us after our break-up.
Hindi kami lumabas ng apartment niya, nagkulong lang kami sa loob at binawi ang mga oras na hindi kami magkasama.
Those simple things are the most memorable moments for me.
Tulad na lang ngayon, kakatapos lang namin pagsaluhan ang dinner na niluto niya, nakaupo ako sa kama habang pinagmamasdan siya.
"Puwede bang h'wag mo munang sabihin sa parents mo na buntis ako?"
Mahina ang boses ko nang hilingin ko 'yon kay Blake. Kasalukuyan siyang nakatutok sa pagbabasa ng mga libro sa harapan niya.
He looks more handsome when he's being serious. Ang sarap niyang pagmasdan, gusto ko na lang siyang panoorin buong araw.
Sandali niya akong sinulyapan ngunit ibinalik din agad ang atensyon sa mga libro sa kanyang harapan.
"Why, love?" Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
"Mas maganda kasi kung sa personal natin ibabalita sa kanila," saad ko gamit ang mababang tono.
Isa pa, nahihiya pa rin kasi ako sa magulang niya, parang noong isang buwan lang ay pinahihirapan ko ang anak nila tapos ngayon ay ayos na kami at buntis pa ako.
"Alright. If that's what my Misis wants," he casually said.
Namula ang mukha ko sa sinabi niya, lumabi ako at nag-iwas ng tingin, ibang klase talagang magpakilig ang daddy ng anak ko.
"I can't do this!" He frowned, nang lingunin ko siya ay padabog niyang sinarado ang libro sa harapan niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "I thought, you have remedial exams tomorrow?"
Magkasalubong ang kilay na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harapan ng desk. "I can't focus."
Ilang sandali lang ay nakahiga na siya sa tabi ko at nakayakap sa 'kin. "Ang hirap mag-focus sa iba kapag kaharap kita."
Kinagat ko ang sariling labi upang pigilan ang kilig, pinaglaruan ko ang malambot niyang buhok.
"You need to review," sita ko. "Ikaw kasi, hindi ka pumasok ng dalawang araw, ayan tuloy hindi ka nakakuha ng exam."
Tinaas niya ang mukha upang titigan ako, "You're more important to me than that fcking exam," aniya.
"How about your studies?" pinigil ko ang kamay niya na naglilikot na naman papasok sa damit ko.
Ngumisi siya. "It's alright, I'll quit."
My brows creased, "huh?"
"I'll come back to the Philippines with you," he said in a flat tone.
"Why? Sayang, Blake. Hindi naman lahat nabibigyan ng opportunity na matanggap sa USC."
Lumayo ako ng konti sa kanya, hindi ko kasi alam kung ano na naman ang pumasok sa isipan niya at bigla na lang siyang nagdesisyon ng padalos-dalos.
His reckless decisions annoyed me sometimes, hindi niya kasi pinag-iisipan ng mabuti ang mga bagay. Basta gagawin lang niya kung ano ang gusto niyang gawin.
"I don't care. I just want to be with you, hindi rin ako mapapakali kapag malayo ako sa mag-ina ko," saad niya.
Gusto ko sanang kiligin at matuwa kaya lang ay parang pinababayaan na lang niya kung ano ang mayroon siya ngayon para sa akin.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)