Chapter 39

264K 7.6K 13.4K
                                    

Coming back to you.

"LP sa'yo si Blake, o!" Kinalabit ako ni Vanessa at pasimpleng tinuro ang likuran ko.

Kumunot ang noo ko. "Anong LP?"

Humagikgik siya. "Laglag ang panga."

Napangisi ako at sinundan ng tingin ang tinuturo niya. Nakatayo si Blake sa likuran namin at nakamasid sa'kin.

His jaw dropped while staring at me intently. His green eyes are roaming around my body.

Sunod-sunod din ang paglunok ni Blake, panay ang taas at baba ng adams apple niya.

Lumabi ako at muling humarap kay Vanessa. "TL din sa'yo si Blare."

Tumaas ang kilay niya. "Anong TL?"

Tumawa ako at bumulong. "Tumutulo ang laway."

Sa tabi ni Blake ay nakatayo si Blare, he's almost drooling while his eyes are focused on Vanessa.

Umirap si Van. "Asawa pa more."

Nagtawanan kaming dalawa, doon ko lang napansin na wala na si Donna sa gilid namin. Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?

"Si Dons?" tanong ko kay Vanessa.

Hinanap ng mga mata niya si Donna bago siya nagkibit ng mga balikat at humarap muli sa akin.

"Nandito lang siya kanina," aniya.

Sakto naman na natanaw ko si Donna, papalapit siya sa amin hawak ang phone niya.

"Roi called, they're already outside," simple niyang saad.

"Sunduin na natin sila, baka 'di papasukin kasi private property 'to," Vanessa suggested.

Donna and I agreed, kawawa naman ang mga baklita kapag hinarang sa entrance.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa entrance, tumaas pa ang kilay ko nang makita na katabi na rin ni Blake at Blare si Blade.

Kanina ay wala naman ito, noong dumating si Donna ay doon lang din siya sumulpot.

Malayo pa lang kami ay ramdam ko na ang titig sa akin ni Blake, kanina pa ako napapaso sa tingin niya.

Nang madaanan namin ang puwesto ng tatlo ay huminto ako sa harapan ni Blake. Para siyang kandila na natulos sa kinatatayuan.

Umangat ang sulok ng labi ko, pasimple kong pinaglandas ang daliri ko sa baba niya.

Sandali akong natigilan nang mahina siyang napa-ungol, daliri ko pa lang ang humawak sa kanya, umuungol na?

Nilapit ko ang bibig sa tainga niya at  bumulong. "I think you dropped your jaw, sir."

I smirked and turned my back on him, making the great Blake Yvo speechless is satisfying.

Nang makarating kami sa kuwarto namin ay doon pinakawalan ni Van at Dons ang malakas na tawa na kanina pa nila pinipigilan.

Magpapalit muna kami ng damit dahil basang-basa kami sa pag-langoy kanina.

"Grabe, SNS ka sa part na 'yon, Marg!" saad ni Donna habang nagsusuot ng shorts.

My brows winged up. "Anong SNS?"

"Savage na savage!"

"WN si Blake!" saad naman ni Vanessa sa gilid. Pulang-pula siya dahil sa pagtawa.

Ngumuso ako. "Ano naman 'yon?"

"Walang nasabi."

Napailing ako, nagtatawanan pa rin kami hanggang sa matapos kaming magbihis. Hindi sila maka-get over sa sinabi ko kay Blake.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon