Secrets
"Are Blake and kuya on good terms now?" Salubong sa 'kin ni Donna nang makalabas ako sa gate namin.
Nakaupo siya sa bench sa tapat ng bahay namin at hinihintay ako.
Nagsalubong ang kilay ko. "I don't have any idea, we're not talking about Kirby at all."
At hindi ko na rin nakikita pa si Kirby, mabuti nga at hindi na niya ako masyadong nilalapitan dahil naiilang ako sa presensya niya.
Donna tilted her head confusingly. "Baka ayos na sila, ilang araw ko na kasing nakikita yung kotse ni Blake sa garage ni Kirby."
"Ano'ng kotse?" tanong ko, sabay na kaming naglakad patungo sa bahay nila Vanessa.
"The one from Germany. Tito Blaze's gift for the triplets," simple niyang sagot.
I remember that car, but Blake told me he lost it in a bet.
Baka si Kirby ang kapustahan niya? Hay, ewan ko sa dalawang 'yon. Ang gulo nila. Si Blake naman ay ayaw akong kausapin ng matino tungkol sa away nila ni Kirby kaya 'di na lang ako nangungulit.
Si Blare agad ang bumungad sa amin nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng bahay nila Vanessa.
Siya ang nagbukas ng pintuan para sa 'min, nagkatinginan kami ni Donna, paano kasi ay nakasuot ito ng pink na apron at may sandok pang hawak.
Tinapunan ko siya ng mapang-asar na tingin. "Ikaw ho ba 'yong new maid nila Van?" biro ko.
Sumimangot si Blare, Si Donna naman ay tumawa ng malakas.
"Just come in," masungit na aniya bago buksan ng malaki ang pintuan.
"Ang sungit ng bagong maid, oh." Blare rolled his eyes on me. I chuckled.
"What are you both doing here? Alam ba ng mga kapatid ko na nandito kayo?" Nauna na siyang umakyat sa hagdan.
Aba! Feel at home, parang siya ang may-ari ng bahay kung umasta.
"Siyempre, may sakit si Van kaya dadalawin namin and I don't need to report everything to Blake."
"We want to see Van and I asked Blade if I can go here."
Halos sabay na sagot namin ni Donna, Blare laughed lightly. Umiling-iling pa ito.
"The dominant and the submissive, what an opposite attitude," he whispered.
Napanguso ako, sobrang baliktad talaga namin ni Donna. I'm the type of girlfriend who will never let my man control me or dictate me.
While Donna loves being obident to Blade, she's just letting him order her around, walang kaso sa kanya kung si Blade lagi ang nasusunod.
"Vanilla.." malambing na saad ni Blare nang buksan nito ang pintuan ng kuwarto ni Van.
Sabay pa kaming napatingin ni Donna sa isa't isa. Tinakpan namin ang mga bibig upang pigilan ang matawa.
Seriously? Vanilla ang tawag niya kay Van? That's super sweet, literally!
"Yes, Cinnamon?" Mas lalo akong nahirapan na pigilan ang tawa ko nang sumagot si Van.
Cinnamon and Vanilla?
Namumula ang mukha ni Blare nang humarap sa amin. Nalukot ang mukha niya nang mapansin na pinagtatawanan namin ang sobrang sweet nilang endearment.
"Van, nandito mga hipag mo," he told her using his sweet voice.
Tinaasan ko ng kilay si Blare para asarin siya, sumimangot ito at inirapan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/58371197-144-k356239.jpg)
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)