Case closed
Umiyak ang kambal sa habang pinapanood namin ang wedding video nila Mama Amanda at Tito Blaze.
"You didn't invite us to your wedding po!" humihikbing saad ni Yvo.
Napakamot sa batok si Tito Blaze at lumambot naman ang mukha ni Mama Amanda habang pinagmamasdan na umiyak ang dalawang apo.
"You don't love us po?" puno ng luha ang mga mata ni Lei habang nakatingin sa kanyang lolo at lola.
"Kids, we love you but that wedding was a long time ago," kalmadong paliwanag ni Tito Blaze.
Lumakas ang iyak ni Lei. "My mommy and Daddy were awso not invited."
"You said we're family! How come I didn't saw Uncle Bware, Uncle Bwade and Auntie Z?" nagmamaktol na reklamo ni Yvo.
"Listen, mga apo. Wala pa sa world ang Daddy, Uncles at Auntie niyo noong kinasal kami ni Grandaddy," malambing na paliwanag ni Mama Amanda.
Tumigil sa pag-iyak ang dalawang makulit at nagkatinginan, nanlaki ang mga mata nila at sabay na nilingon ang lolo at lola.
"Wala po sa wowld? Alien po ba sila dati?" nagtatakang tanong ni Lei.
Pumaling ang ulo ni Yvo. "Are they from Mars po?"
Natigilan ang mag-asawa bago sila tumawa ng malakas, hindi makahinga si Mama Amanda sa pagtawa habang nakahawak naman sa kanyang tiyan si Tito Blaze.
Napailing ako habang nakangiti. Ang dalawang makulit na bata ang naging ray of sunshine sa mansion na ito, mas naging masaya ang lahat simula nang dumating sila.
"Why are you waughing po? What's funny po?" nagsalubong ang kilay ni Yvo.
Tumigil sa pagtawa ang mag-asawa ngunit hindi nila mapigilan. Pati ako ay natatawa na rin dahil parang naging teenager ang mga ito.
"Because you'we not good with planets, Yvo! Hot sa Maws kaya hindi sila doon galing! Sa Neptune kaya!" mahaba ang nguso na saad ni Lei.
"No, Wei! Super cowld naman sa Neptune, you're wrong too!" hindi nagpapatalo na sagot ni Yvo.
Bago pa sila mag-away ay pumagitna na ako sa kanila. Para pa naman kasing aso at pusa ang mga ito.
"Lei and Yvo, stop arguing, please? Bad sa twins ang mag-away," pangaral ko sa kanila.
Lumingon sa akin si Lei at ngumuso. "Bakit po kayo ni Papa Mago? Niaaway mo si Papa 'di ba po?"
Natahimik ako sa sinabi ni Lei, naalala ko na naman kasi ang kambal ko. Hindi ako nakapagsalita agad mabuti na lang ay pumasok sa loob ng theatre room si Blake.
"Balita ko, may mga umiyak?" malaki ang ngiti niya habang nakatingin sa kambal.
"Daddy!"
"Captain gween!"
Sabay na tumakbo ang dalawang bata papunta kay Blake para salubungin siya. Mahina siyang tumawa nang yakapin siya ng kambal.
"Lolo and Lola didn't invite us to theiw wedding po!" matulis ang nguso na sumbong ni Lei sa ama.
Natawa ng mahina si Blake. "We're not invited to their wedding because you're invited to another wedding," saad nito sa mga bata.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, wala na kasing ibang ikakasal sa pamilyang ito.
"Whose wedding, daddy?" nagtatakang tanong ni Yvo.
Ngumisi si Blake at may binulong sa mga bata pero ang mga mata niya ay nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman sila marinig.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)