Reunion
"Awe we going to visit Mamila?" hinaplos ng maliit na kamay ni Marleigh ang pisngi ko.
Nakapaling ang ulo niya habang tinitingnan ako gamit ang inosenteng mga mata.
"Yes po," mahina kong sagot.
Dinaanan ako ng pamilya nila sa Condo namin para raw sabay-sabay na kaming pumunta kay Mamila.
Marleigh yawned, itinaas pa niya ang dalawang matabang braso sa ere upang mag-inat.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi ng bata, mabilog at mapula kasi ang mga iyon at ang sarap panggigilan.
Nalukot ang cute niyang mukha dahil sa ginawa ko. "That's ouchy po," daing niya.
I giggled. "Sorry, cute mo po kasi."
Humaba ang nguso ni Marleigh at umayos ng upo sa kandungan ko, ibinaon din niya ang mukha sa leeg ko.
Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya, mamaya ay paniguradong tulog na ito.
"Marg, baka mangawit ka. Mabigat si Lei," mula sa shotgun seat ay binalingan ako ni Kylie.
Maging si Mago na nagmamaneho ay sandaling napasulyap sa amin sa rear view mirror pero agad din naman niyang ibinalik ang tingin sa harapan ng kalsada.
"Okay lang, malapit naman na tayo," saad ko. Alanganin akong tiningnan ni Kylie bago siya tumango.
"Lovey, do you know how to play basketball?" Biglaang tanong ni Monroe sa gilid ko.
Ibinaba niya ang Ipad at tumingin sa akin, his brown eyes are curiously staring at me.
Natigilan ako saglit bago sumagot. "No, I never learned how to play basketball."
Ngumuso ang bata kaya lalo niyang naging kamukha si Mago. "Then why do you love watching basketball games?"
"Roe, stop asking questions," mariin na sita ni Mago sa anak niya.
Yumuko ang bata. "Sorry po. Nevermind." Ibinalik na niyang muli ang atensyon sa kanyang Ipad na hawak.
Ginulo ko ang buhok ni Roe kaya lalong tumulis ang nguso niya.
"Ayos lang, Mago. Curious lang naman si Roe," ani ko, kay Mago ako nakatingin.
I just heard him sighed. Alam ko naman na hanggang maaari ay ayaw niyang pinag-uusapan ang kahit na anong may kinalaman kay Blake lalo na kapag nakaharap ako pero ayos lang naman sa akin.
Kahit ano kasi ang gawin ko ay hindi ko naman habang buhay maiiwasan ang tungkol sa kanya.
Hinarap ko muli si Monroe. "I'm not watching basketball because I like it, actually... I just want to support my favorite player."
Namilog ang brown na mga mata ng bata. "Captain green eyes? The one with number '24' on his Jersey po?"
I chuckled lightly and nodded. "Yes."
Captain green eyes ang tawag ng dalawa kong pamangkin kay Blake, madalas kasi nila akong makita na nanonood ng mga laro ng Chivalry kaya kilala nila ito.
Limang minuto pa ang lumipas bago huminto ang Range Rover ni Mago sa tapat ng Sanctuary.
"We're here," wika niya bago lumabas ng sasakyan. Umikot siya sa kabilang pintuan upang tulungan makababa ang buntis na asawa.
Nagtatakbo na rin palabas si Monroe. Naiwan ako sa loob na hindi makagalaw, tulog kasi sa balikat ko si Marleigh at natatakot akong magising siya kapag gumalaw ako.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)