Chapter 3

301K 9.4K 1.4K
                                    

Deal

I left the bar after I saw him kissing someone else. It’s really painful to see the man you love in the arms of another woman. The pain’s tolerable though, kailangang sanayin ang sarili para sa susunod, hindi na gaanong masakit.

Bigla akong nagsisi na nagpumilit pa akong sumama kay Donna at Blade. Ano ang napala ko ngayon? Broken heart! Kung sana ay nanatili na lang ako sa bahay at nag-aral, edi sana ay may napala pa ako. Nasa huli talaga ang pagsisisi . . . at ganoon ang mangyayari kay Blake kapag hindi pa niya ako pinansin, magsisisi talaga siya kapag ako na ang lumayo. He’ll regret taking me for granted.

Lumabas ako sa bar pagkatapos kong makita ang nakita kong sana ay hindi ko na lang nakita pero nakita ko pa rin! Hindi ko tuloy alam ngayon kung saan ako pupunta kaya sumakay na lang ako ng elevator.

Nagpasya na akong umuwi at matulog para kahit paano ay makalimutan ko ang nakita ko pero naalala kong kasabay ko sina Donna at Blade na pumunta rito, baka mag-alala si Dons kapag hindi ako nagpaalam sa kanya kaya naman inilabas ko na ang phone ko mula sa bag na dala para sana tawagan siya pero hindi ko na ito mabuksan dahil deadbatt!

Well, puwede naman akong mag-Grab at pagdating sa bahay ko na lang ipapaalam sa kanya na nakauwi na ako pero bigla kong naalala na deadbatt nga pala ang phone ko. Ganoon na lang ang naging inis ko nang ma-realize na kahit gusto ko nang umuwi ay hindi ko magagawa dahil hindi ako nagdadala ng cash, I’m paying using my phone! I suddenly felt how unlucky I am tonight.

Mula sa sinasakyan kong glass elevator ay natanaw ko ang second floor kung nasaan ang bowling area, billiard table, mini bar, and vending machines. I decided to stay there until the party is over, lilibangin ko na lang muna siguro ang sarili ko hanggang sa malimutan ko kung paano niya halikan ang babaeng ’yon.

I rolled my eyes, the girl is not even pretty. That Blake keeps on dating different girls that’s not even half as pretty as me. Walang taste! He’s known as the womanizer among the triplets and I’m aware of that. I watched him change his girls like how he change his clothes and it upsets me, he can date anyone except me. Ayaw niya yata sa maganda.

Kaagad akong dumiretso sa mahabang leather sofa sa gilid ng bowling alley at tumambay roon para mag-isip ng paraan kung paano uuwi nang hindi pinag-aalala si Donna.

Mula sa bintana na kaharap ko ay bigla kong natanaw ang parking kung saan nakaparada ang Jeep Wrangler ng kapatid kong si Mago. Oo nga pala, he’s here! I thought it was a good idea at first but then my enthusiasm faded when I realized that maybe he’s upstairs, partying. Ayaw ko na ngang bumalik doon dahil baka makasalubong ko pa si Blake at ang babae niya.

I sighed in frustration, tumayo ako at nilapitan ang metal basket na pinaglalagyan ng bowling balls at kumuha ng isa mula roon. “You hurt me again, Blake!” I screamed.

Hindi ko na ininda ang kabigatan nito, pinagulong ko na ang bola sa alley na para bang ang target kong patumbahin ay si Blake at ang babaeng kasama niya.

Hindi napataob ng bola ang mga pin dahil lumiko ito. Kumuha na naman ako ng panibagong bola at pinagulong muli ito pero katulad ng nauna ay pumapaling lang ito at wala man lang tinatamaan kahit isang pin. Mas lalo lang tuloy akong nainis, ang tanga ko na nga pumili ng lalaki, tanga pa ako sa paglalaro ng bowling!

Padabog na bumalik na lang ako sa pagkakaupo sa leather sofa. Mas nabwisit lang ako dahil sa ginawa ko. Malakas kong sinipa ang bola na gumulong sa paanan ko dahil sa sobrang inis pero ako rin ang nagsisi sa huli dahil ako rin ang nasaktan sa tigas nito. Shit! bakit ako na naman ang kailangang masaktan?

“Damn you, Blake Yvo!” may kalakasan kong sigaw. Nilingon ko pa ang paligid kung may ibang taong nakarinig pero mukhang wala namang ibang nandito kung hindi ako lang.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon