Chapter 45

270K 7.7K 4.1K
                                    

Mother

Nagising ako dahil sa mainit na palad na humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat upang makita kung sino 'yon.

Bumungad sa akin ang berdeng mga mata ni Blake, puno ang mga 'yon ng emosyon habang nakatitig sa akin,

"Blake?" mahina kong tawag sa pangalan niya.

Ngumiti siya ng matamis at hinalikan ang kamay ko bago sumagot. "Hi, love. Did I wake you up?"

Sinipat ko ang orasan sa gilid ng kama, tumaas ang kilay ko dahil alas tres pa lang ng madaling araw.

Muli ko siyang nilingon. "Why are you here again?"

Tuwing madaling araw kasi o kapag may oras siya ay lagi niya akong dinadalaw at binabantayan tulad ngayon, marami rin siyang dinadalang mga pagkain para sa amin ng baby niya.

Kinagat niya ang labi at masuyong pinaglandas ang palad sa impit kong tiyan. "Baka kasi may bigla kayong gustong kainin ni baby, I'm here to give you anything you want."

Tinitigan ko siya ng matagal, he looks tired. Mukhang wala pa siyang tulog pero heto siya at binabantayan kami.

"Galing ka ba sa hospital?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Yeah, buong araw kong binantayan si Yvo," sagot niya.

"How's Yvo?" I asked him worriedly.

Apat na araw nang naka-confine si Yvo sa hospital, ang sabi ni Blake noong isang araw ay stable naman na ang lagay ng bata dahil nasalinan na ito ng dugo galing sa blood bank.

"He's getting better," he smiled happily. "He underwent few tests today. Everything seems fine."

Blake looks relieved, sa loob ng apat na araw na 'yon ay siya ang nagbabantay sa anak niya, minsan ay naiisipan kong dumalaw pero tuwing nakikita ko si Lucy ay nawawalan ako ng gana.

Napahinga ako nang malalim, maging ako ay guminhawa ang pakiramdam nang sabihin n'ya yon. Siguro ay nakaramdam ako ng awa sa bata pero may iba pa... hindi ko lang maipaliwanag nang maayos.

"That's good to hear, bakit nandito ka pa? Bantayan mo na lang si Yvo sa hospital o kaya ay magpahinga ka, don't worry too much about our baby."

Umayos ako ng higa, mas naramdaman ko naman ang masuyo niyang haplos sa tiyan ko.

"Lovey, hayaan mo naman akong maging ama sa anak natin.. hindi ko kasi nagawa 'yon noon."

Bigla akong na-guilty dahil sa sinabi niya, kasalanan ko kasi kung bakit hindi siya naging ama sa una naming anak, itinago ko kasi sa kanya ang katotohanan.

Nilingon ko siya muli, kitang-kita ko ang pagsusumamo sa maamo niyang mukha. I cleared my throat and averted my gaze.

"Tatawagan naman kita kung may gusto kami ni baby," mahina kong bulong, sapat na para marinig niya.

Tumango siya at hinalikan ako sa noo, sumunod sa tiyan. Tinitigan niya ako pagkatapos at tipid na ngumiti.

"Alright, if my baby craves for something.. daddy is only one call away," mahina niyang bulong bago mabilis na inilapat ang labi sa labi ko.

Tumayo na siya at nagpaalam sa akin. "Lovey, babalik ako sa hospital. Please don't hesitate to call me, I'll be very happy if you depend on me during your pregnancy."

Tumango lang ako bilang pag-ayon sa gusto niya. Naglakad na siya patungo sa pintuan ngunit humarap siyang muli sa akin.

"Sleep again... we'll be a complete family once I confirmed everything."

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon