Chapter 14

286K 8.2K 1.9K
                                    

Court

It's the third day of the University Meet, Championship na ang labanan. The cheerleading team will perform before the games. Noong first day kasi ay for entertainment lang ang performance namin pero ngayon ay competition na.

Alas sais pa lang ng umaga ay nasa gym na kami para mag-practice ng stunts, pagod na pagod na agad ako kahit umaga pa lang. I want to rest but I don't want to quit.

"Margaux, we're going to eat outside. Sama ka?" Mula sa paghahanap ng damit sa locker ay nilingon ko si Kylie na nakatayo sa labas ng changing room kasama si Sandy, kasamahan ko sila sa cheer squad, bitbit na nila ang mga gamit, nakapagpalit na rin sila ng damit.

"Mauna na kayo, susunod na lang ako." I'm combing my brown hair while talking to them. Kakatapos ko lang mag-shower at magpalit ng uniform na gagamitin namin mamaya sa performance.

I am really happy with our new cheerleading uniform, It is a combination of red and white crop top type, the right arm is sleeveless while the left one is long sleeve. It fits me well, tama lang ang sukat nito sa akin, kita rin ang pusod ko at ang haba naman nito ay nasa gitna ng mga hita ko, may kapares pa itong mahabang medyas na kulay puti at pula.

"Okay. If you want to join us, I'll text you the name of the restaurant." The two girls bid their goodbyes and went out. Ako na lang ang naiwan sa loob dahil ako ang pinaka matagal matapos mag-practice. I want to do my best and I want to be the best.

According to my grandma, my mother was a cheerleader when she was in highschool, she was also a bright model when she was alive. Kung buhay lang siguro ang mommy ko ay magiging mas masaya sana kami ni Fourth.

I want to be just like her kaya sinusundan ko ang mga yapak niya kahit na hindi ko naman siya nakita dahil sanggol pa lamang kami nang maaksidente raw ito. Sa pictures lang namin nakikita si mommy Martha and she looks exactly like me.

Nang matapos akong mag-ayos ay nakatanggap ako ng text galing kay Kylie, sa isang Korean restaurant nagpunta ang mga ito, dala ko naman  ang kotse ko kaya hindi na ako mahihirapan kung susundan ko sila, isa pa ay gutom na rin ako.

Paglabas ko pa lang sa gym ay may mga nagtitilian na, napakunot ang noo ko at sinilip ang wristwatch na suot ko, It's lunch time nagsisimula na ba ang laro at tumitili na ang ilang babae?

Nilapitan ko sila, kinalabit ko ang isa sa first year na kilala ko, hindi kasi sila magkamayaw sa kakatili kaya naintriga ako kung ano ang ganap.

"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko, hinarap naman niya ako at itinuro   gamit ang nguso ang mga bench na nakapalibot sa labas ng gym kung saan kami nagpa-practice.

"Blake's here." Para akong nabingi sa sinabi niya, sinilip ko ang itinuturo ng babae. Nagwala na naman ang puso ko nang makita ko siya, the sight of him suddenly makes me feel excited.

Blake is casually sitting in the bench wearing his basketball varsity jacket, faded blue jeans paired with white sneakers and aviator sunglasses.

He's playing with his car key using his fingers, he's also constantly glancing at his rolex watch. Mukha siyang model ng sunglasses at relo, kung hindi ko kilala si Blake ay malamang na mapapagkamalan ko siyang  Hollywood star dahil sa lakas ng dating niya.

Sa triplets ay si Blake ang may matinding sex appeal, Si Blare ang pinaka charming at si Blade ang good looking. Kaya nga sikat ang magkakapatid maging ang mga pinsan nila sa buong Campus. Kapag binanggit ang pangalan ng University namin ay asahan mo na kadikit na nito ang aplido nila.

Reifler boys are so lucky to have an almost perfect genes. Idagdag pa na mayaman ang pamilya nila, kaya hindi ko rin masisisi ang ilang kababaihan na nababaliw sa mga Reiflers dahil maging ako ay kabilang sa mga babaeng 'yon.

Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon