Cheer
"Water break!" I immediately sat on the nearest bench. Pagod na pagod ako sa practice namin para sa cheer squad.
Ito na ang huli naming practice dahil kalahating oras na lang ay magsisimula na ang UMeet o University Meet kung saan anim na malalaking International University ang maglalaban at sa taong ito, University namin ang Host kaya malamang na madaming estudyante mula sa iba't ibang University ang dadayo.
"You look so tired." Mula sa pagkakahawak ko sa masakit kong talampakan ay tiningala ko si Donna na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at inaabutan ako ng gatorade.
Sinipat ko siya, she's only wearing an off-shoulder baby blue dress with beige flat shoes and white shoulder bag. Kahit simple ay kakaiba ang dating niya. This woman screams elegance.
"I am not tired. I'm exhausted, Dons." I grabbed the drink and drunk it straightway. Napangiwi si Donna dahil halatang uhaw na uhaw ako, tumabi ito sa bench na kinauupuan ko.
"Halata nga." Donna chuckled and hand me a towel, kung hindi lang ako mapawis ay kanina ko pa nayakap ang best friend ko dahil sobrang sweet at thoughtful niya.
"You're not busy?" I asked while wiping the sweats in my neck, umiling lamang si Donna at inilabas ang phone mula sa bag nito.
"During the games pa ako magiging busy. We need a lot of scoops to write for our School Paper." Donna is an Editor-in-chief in their Journalism Club. She's very intelligent and grounded woman, kadalasan nga ay ito pa ang nagtuturo sa akin kahit na mas matanda ako sa kanya.
"Hello, Margaux right?" I am in the middle of wiping my face when three guys approached us. Nilingon ko ang mga ito, they are all wearing the same basketball Jersey from the other University.
Sa hula ko ay isa ito sa mga makakalaban ng team ni Blake mamaya. Well, good luck to them because they are about to face the beast of the court.
"Ano-- kasi gusto sana namin magpa-picture." Nagkakamot pa ng batok ang matangkad at kalbo na lalaki na nasa gitna na parang nahihiya, ang lalaki naman na kulot sa kanan niya ay may hawak na camera at ang isa pang lalaking blonde sa kaliwa ay tinutulak ang kasama palapit sa akin.
Napataas ako ng kilay, para silang mga Elementary student na nagpapapansin sa crush kung umasta.
"Sure." Hindi naman ako masungit, I am very much approachable. This is not the first time that this happened, madalas may mga gustong magpa-picture sa akin dahil naging viral noon sa facebook ang video ko na gumagawa ng cheer leading stunts.
"Ayos. Thank you!" The three guys blushed after they took selfies. I just smiled and wave my hand. Naglakad na palayo ang dalawa pero ang lalaking kulot na may dalang DSLR ay naiwan pa rin at nilapitan si Donna.
"Hi, can I take a photo with you, too?" Nanlaki ang mga mata ko maging ang dalawang kasama ng lalaki. How dare him to go near her!
"Gago ka ba, Niko? Si Donna 'yan." Inakbayan ng blonde na lalaki ang kasama nila at bumulong, I can still hear them though.
"I know. She's famous in our department." Bulong din ng lalaki na tinawag nilang Niko. Binatukan ito ng matangkad na lalaki.
"Kupal ka, Si Blade ang boyfriend niyan. Naghahanap ka pa ng gulo." Hinila ng dalawa ang kasama at nagpaalam na silang tatlo.
Nagkatinginan kami ni Donna at sabay na tumawa, madalas ay ganoon ang scene kapag may lumalapit sa kaibigan niya, natatakot kapag nalaman na si Blade ang boyfriend niya.
Dapat lang na matakot sila dahil si Donna lang naman ay kinababaliwan ng isang Blade Reifler, He's a leader of a big fraternity at wala itong inuurungan pero kapag si Donna ang kaharap nito ay nagiging parang bata ito na gusto ng lambing.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)