Let's talk
"Are you with us, Marg?" Isang kalabit ang nagpabalik sa akin sa realidad.
Mula sa pagtitig sa malaking bintana ay nagtataka kong nilingon ang mga kasama ko. "What is it again?"
The photographer pointed out the big monitor screen in front of us. "What do you think about these photos?"
Isa-isang niyang pinakita sa akin ang mga resulta ng litrato sa shoot kanina. Ipiniling ko ang ulo at pinagmasdan ang mga 'yon.
"I like the ambiance of the background, it fits perfectly to the theme, just make the filter low-pass," suhestiyon ko.
"Noted," may sinulat ito sa papel bago siya bumaling sa mga editor na kasama namin. "Any comments?"
Nagbuga ako ng hangin at muling ibinalik ang tingin sa bintana. Tanaw na tanaw ko mula sa kinauupuan ko ngayon ang Eiffel tower.
Pagkabalik namin sa Manila galing Batangas ay lumipad agad ako patungo sa Paris kinabukasan dahil may trabaho akong naghihintay sa'kin.
I started to get confused again after Blake kissed me and confessed his feelings for me back in Batangas. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hindi ko na siya pinansin hanggang sa makauwi kami ng Manila.
Hindi kasi ako makapaniwala, anim na taon ang lumipas tapos ay bigla niyang aaminin na ako pa rin? That's confusing and I was surprised.
Hinintay ko siyang sundan ako pero hindi naman niya ginawa kaya naisip ko na baka nasabi niya lang 'yon dahil nadala siya ng selos.
Maybe his ego hurts when he saw his ex with someone else. Siguro gano'n lang para sa kanya, kung seryoso kasi siya sana ay gumawa siya ng paraan para maka-usap ako kahit na umiwas pa ako.
Pero sa halip na sundan ako ay umalis na siya, bumalik siya sa U.S na parang hindi ako umasa sa mga sinabi niya.
May nalalaman pa siyang, ' I tried to move on from you but I keep on coming back to you' ngunit nasaan siya ngayon? He left me hanging after giving me high hopes.
"Good job, guys. It's a wrap for today, see you later at the party," saad ng Editor in chief namin.
Tumayo na ako at aalis na sana ngunit bigla naman akong tinawag ng isang malalim na boses.
"Agatha!" Kumunot ang noo ko bago lumingon sa pinagmulan ng boses.
Kahit hindi ko tingnan kung sino ang tumawag sa 'kin ay sigurado ako na si Jireh 'yon dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin sa second name ko.
Pagharap ko ay tumambad agad sa akin ang malaking ngisi ni Jireh, sumisilip tuloy ang mapuputi niyang ngipin, kumakaway siya sa akin kaya nginitian ko siya ng tipid.
"Bakit, Jireh?" tanong ko. Imbes na sagutin ako ay lumapit siya sa akin.
"Aalis ka na?" Masuyo niyang tanong habang nakatitig sa hita ko. Naiilang akong kong tinakpan iyon gamit ang bag ko.
"Would you mind if we leave together?" Hinuhuli ng itim na itim niyang mga mata ang tingin ko.
"Tapos na ba ang shoot mo?" sinilip ko ang set-up sa likuran niya at mukhang hindi pa naman tapos ang photoshoot niya.
Si Jireh ang isa sa pinaka-una kong nakasama noong magsimula akong sumabak sa modeling.
He's a male model and we have the same talent manager kaya madalas kaming magkasama sa out of town shoots tulad ngayon.
Jireh chuckled. "Doesn't matter, gusto kitang ihatid."
"I can leave alone, Jireh. Finish your shoot so you can leave early, thank you." I gave him a light smile after I declined him politely.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)