Spoiled.
"Mago!" Nagmamadali akong magmartsa pababa ng hagdanan habang itinatali ang may kahabaan kong buhok.
Araw ngayon ng Lunes at tulad ng kambal ko na si Fourth ay wala akong balak pumasok sa University para magpasa ng mga requirements. It's our sem-break but it feels like it's not.
"Watch your steps, Margaux," sambit niya at sinalubong ako sa hamba ng hagdanan, nginisian ko siya nang tuluyan na akong makababa.
"Aalis ka na ba?" Tumango siya at tinalikuran na ako, nauna siyang maglakad palabas ng bahay na parang nagmamadali, sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa garahe.
Nanlumo agad ako nang ikutin ng paningin ko ang garahe namin na dati ay puno ng sasakyan, ibinenta na kasi ni Mago ang BMW ko at Van namin para kahit papaano ay makadagdag sa pangbayad ng aberya.
Tanging ang SUV lang ni Mamila at ang Jeep Wrangler niya ang itinira para may nagagamit pa rin kami kahit papaano.
"Sasabay ka?" Tanong niya pagkatapos buksan ang lock ng kanyang itim na Jeep Wrangler, tumango naman ako at pumasok na sa passengers seat.
"Idaan mo lang ako sa Starbucks." Inayos ko ang paper bag ng Louis Vuitton na kanina ko pa bitbit, tinapunan 'iyon ng tingin ni Fourth bago niya in-start ang sasakyan.
"I'm sorry if you have to do that." Mabilis ko siyang sinulyapan habang hinahanap ko ang phone sa bag ko, nakatutok lamang ang mga mata niya sa daan.
"To do what?" Panaka-naka ang sulyap ko sa kanya at sa bag ko, hindi ko kasi makita ang phone ko.
"Selling your things. I'm sorry, Marg," he sincerely said while his eyes are still on the road. Marahil ay masama ang loob niya na isa-isa ko nang ibinebenta ang mga bags ko para makatulong.
"Seriously? You don't need to say sorry. Eto lang naman ang maiitulong ko," sambit ko bago ko ginulo ang buhok ng kambal ko, he looks so worried about me.
Palala kasi nang palala ang pagbagsak ng negosyo namin, wala pa sa kalahati ang naibabalik naming pera sa mga tao, kung hindi naman namin ibabalik ang investment nila ay kakasuhan nila si Mamila at Tita Cara.
"Any news about Mr. Lee?" Huminto ang kotse nang magkaroon ng red lights sa intersection, malayang sumandal si Fourth sa Driver's seat at nilingon ako.
"Magaling magtago, galawang scammer talaga," he bit his lower lip and top the stirring wheel tormentedly.
"Ano'ng sabi ni Tita Cara?" Ilang minuto lang ay nag-green lights na, muling pinasibad ni Fourth ang sasakyan.
"She's filing a case towards him, pero mukhang malabo, wala naman pala kasing hawak na ebidensya si Tita." Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya.
ilingon ko ang bintana nang magsimulang umulan, kinuha ko agad ang phone ko dahil nag-vibrate ito.
Nag-text si Kylie na nasa Starbucks na siya, nag-reply naman ako na on the way na kami. She's the one who's going to buy my bag.
"Is that Blake?" Nag-angat aako ng tingin mula sa pagtitipa sa phone ko, Mago's eyes are still fix on the road.
"Si Kylie, nasa SB na raw siya." Ang huling tawag ni Blake ay kaninang madaling araw pa, hindi na 'yon nasundan hanggang sa mga oras na 'to, hindi naman na ako nangulit pa dahil marami akong mas importante na dapat pagtuunan ng pansin.
"Do not let your guard down, Margaux," Fourth firmly said while speeding the car, naging maluwag na kasi ang kalsada nang lumiko kami sa high-way.
"What do you mean?" Nagsalubong ang mga kilay ko nang itanong 'yon, muli ko nang ipinasok ang phone ko sa loob nang bag dahil natanaw ko na ang SB.
BINABASA MO ANG
Invading Her Body (THREE KINGS SERIES #1)
General FictionThree Kings Series #1 (Blake Yvo Reifler)