Chapter 43 - Break Down (Part 2)

48 3 3
                                    

CHAPTER 43 - Break Down (Part 2)

Balikan natin ang mga nangyari dun sa Chapter 6.5. At pakinggan natin ang POV ng taong may alam sa sikretong namamagitan kina Kyle at Hannah simula pa noon.

Lolo Sireno's POV

Akala ko, hindi sya yun. Akala ko ibang babae ang tinutukoy nila. Akala ko lang pala. Pero ngayong nalaman ko na ang buong background ng pamilya nya. Napagkaalaman ko nalang na...

.

MAGKAPATID pala silang dalawa.

**

"Ikaw ba si Ms. Hannah Dela Cruz?!" ito kaagad ang sinabi ko sa kanya matapos nya akong mabunggo ensaktong pagkalabas ko sa library ng mansion.

Saglit syang natigilan nung nakita ako.

Mukha syang umiiyak dahil namumula ang kanyang mga mata at panay ang pagpahid nya sa mga luhang nasa pisngi nya.

"O-opo. A-ako po si Hannah. Pasensya na po, Sir kung nabangga ko po kayo. Pasensya na po. Aalis na rin naman ako. Sorry po talaga." So sya pala. Sya pala ang babaeng kinaiinisan ng apo ko.

Naku mukhang maging masaya to. May namumuo ng plano dito sa isip ko para sa kanilang dalawa. *evil grin*

Pagtingin ko ulit sa kanya, t-teka. Sa'n na yun?

Naku naman tong batang 'to. Parang hindi nya ako kilala ah. Bigla ba namang tumakbo? Tatakas sya? Pwes. Hindi pwede. May ipapakaiusap pa'ko sa kanya. Mouhahaha!

Sinenyasan ko ang dalawang butler para harangan sya upang di maka alis. Nang napahinto sya, lumingon sya sa'kin.

Agad akong naglakad papunta kay Hannah at kita kong nagtataka at parang kinakabahan sya.

"Sir. Sorry po sa abala. A-alis na--" magsasalita pa sana sya pero pinigilan ko sya.

"Wag ka munang umalis Ms. Hannah, dumito ka muna. Umupo muna tayo at may sasabihin ako sa'yo. Wag kang mag-alala. Wag ka naring umalis, ha. Nagpahanda pa naman sana ako ng dinner." at umupo sya pagkasabi ko nun.

"Ha? Bakit po, Sir? Si-sino po ba kayo?"

"Aba, sino pa ba? Eh, di si Silverino A. Fajardo. a.k.a Lolo Sireno. ^__^ Ang kaisa-isahang nagmamay-ari ng S. Fajardo University." inintroduce ko ang sarili ko at bigla naman syang napatawa. Sabi ko na nga ba, eh. Nakakatawa talaga ang palayaw ko. T__T

"Naku! Pasensya na po talaga. Hindi ko sinasadyang tanungin kung sino ka. Pero matanong lang po, bakit naman Sireno? Haha." Bakit ba ang gaan ng loob ko sa batang to? Nakakatuwa sya. Tas ang cute pa.

"Alam mo nakakatuwa ka, ija. Haha! Okay lang yun. Wag ka nang mag sorry. Oo, Sireno, dahil nung bata pa ako, gusto ko na talagang maging sireno. Gusto ko nang magkabuntot pero imposibleng mangyari eh kaya sinabihan ko silang Sireno ang itatawag nila sa akin dito sa bahay pwera lang sa paaralan at sa mga kanegosyo ko. Haha! Ang saya noh? Tinatawag ka nila sa isang pangalang imposible talagang maging sa'yo. Pero pinagtatiyagaan mo nalang dahil masaya ka naman dito. :D"

**

"Kaya, ija. Hinihiling ko sa'yo na patinuin mo ang apo ko, ha. Kilalanin mo sya ng mabuti. Alam kong mag-iiba rin ang pananaw mo sa kanya. At sya rin sa iyo. Kung ikaw maging girlfriend nya, tiyak na mababalik na nya ang puso niyang nasira. Sana nga. Sana."

Sa pagkakaalam ko, base sa ni-report sa'kin ni Wilfreda, yung Chairman ng Student's Affairs Office at isa sa mga matalik kong kaibigan, si Hannah lang daw ang tanging babaeng nakakagawa ng gan'to sa apo. Wala pang babaeng nakasuntok sa kanya maliban na lang kay Hannah. Wala pang babaeng nakabangayan at nakasigawan nya kundi si Hannah lang. Kaya naisipan kong gawan ng paraan ang dalawa. Pinakiusapan ko si Hannah na patinuin ang apo ko. Kung papipiliin man ako ng babaeng makakatuluyan ng apo ko, sigurado na akong si Hannah Trixia Dela Cruz yun.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon