Chapter 15 - Ms. Loud Speaker

135 1 0
                                    

This time, iki-kwento po ni Monette ang love story nya.

.

.

Hi! Ako po si Monette Alexia Salazar. Ang bestfriend ni Hannah. Only Child. Well, bago ko palang nakilala si Hannah, medyo loner ako. Wala ako masyadong friends. Para sakin, hindi na yun importante, eh kasi mas uunahin ko pang makatapos ng pag-aaral kaysa inaatupag ko ang ganyang mga bagay. Pero, nung nakilala ko si bessy, nagbago ang pananaw kong yun. Nag-aaral parin ako, Oo. Pero at the same time, ine-entertain ko na ngayon ang mga tao sa paligid na gustong maging kaibigan ko pwera nalang sa mga bastos at mahahangin na lalake na di ko kilala.

Everyday, sa school, si Hannah ang palagi kong kasama. Masaya ako na kami lang dalawa kasi nagkakaintindihan kami, eh. Pareho kasi kaming nangungulila sa aming mga daddy. Si tita lang ang palagi kong kasama sa bahay kasi umalis si mommy at sumama sa ibang lalake. Tsk. Hindi ko talaga sya mapapatawad kahit kailan. Inisip ko nga noon na kahit wala na si dad at wala na rin si mom, sana meron paring magtatanggol sakin. Para di na 'ko iiyak. Para di na 'ko mawalan ng kakampi. At para di na 'ko masaktan. Haay! Sana lang makakita ako ng ganyan. Kumbaga HERO, kagaya ng sa comics. May hero, tapos may babae na palagi nyang inililigtas sa kung anumang sakit o panganib na dadating. Yung tipong mapapagkatiwalaan mo talaga. Tsk. Sana, merong ganyan sa totoong buhay.

Well, enough of that.

Ngayong 2nd year college student na ako, first day of school palang, nakita ko na siya.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Okay, class. Let me introduce you to these 4 handsome gentlemen. They will be your new classmates for this semester of your 2nd year in college." napalingon ako sa apat na lalakeng nakatayo ngayon sa may pinto katabi ng teacher namin habang kinakausap ko si Mhae Ann, ang pinakamatalino sa aming section since first year.

"OMG! Ang gu-gwapo nila!" tumili ang ilan sa'ming mga kaklaseng babae.

Nilingon ko si Hannah na natutulog lang sa tabi ko.

"Han! Hannah. H-huy! Naman oh! Hannah!" inaalog-alog ko siya kasi natutulog, eh. Tinulugan ba naman ang klase ni Ms. Laguda?

Grabeh! Hindi parin nagigising! Ang sarap buhusan ng kumukulong tubig! Tsk.

"Class. This young gentleman over here is Mr. Tristan John A. Jaranilla." tinuro ni Ms. Lindsay ang lalakeng naka eyeglasses. Medyo gwapo naman sya. Hmm.

"Hi :)" bati samin nung Tristan na nakangiti habang nakatayo sya sa platform.

"This young lad is Mr. Adrian Lorenzo V. Reyes. Mr. Reyes?" sabi ni Ms. Lindsay habang tinuturo kay Adrian ang platform.

Hindi man lang ngumiti at bumati ang lalakeng to. Poker face lang. Pero, gwapo naman sya. Meron din namang tumili sa kanya. Baka nahuhumaling sa pagiging suplado nya. Hmmm.

"A-ah. So, okay. Very well." nahihiyang sabi ni Ms. Laguda dahil sa kinilos ng Adrian na to. "This is Mr. Kyle Gerald A. Fajardo."

Tumili halos lahat ng babae dito sa room maliban sakin at ni Hannah na natutulog parin hanggang ngayon.

".... O-okay. Listen, class. Sya ang apo ng may-ari ng school natin who is Mr. Silverino Fajardo, Jr. Mr, Fajardo, i-introduce mo ang sarili mo." utos ni Ms. Lindsay at tinuro na rin ang platform.

"Diba inin-troduce mo nang pangalan ko? Ano pa bang kailangan kong sabihin sayo? Psh." umirap lang ang gago.

Napakasuplado naman nya. Gwapo nga sya pero ... tsk. Wala na'kong masabi.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon