Chapter 33 - Pictorial?

59 3 0
                                    

CHAPTER 33 - Pictorial?

Kyle's POV

"Hanggang kailan mo pa ba itatago yang nararamdaman mo para kay Ms. Hannah, bro?" tanong ni Jose nang nakarating na kami sa classroom namin kasama sina YanYan at TanTan.

Hindi na kasi kami magkaklase ni Hannah. Pinilit ko lang talaga si lolo na ilipat kami ng barkada ko sa ibang block. Kasi alam ko na sa twing magkalapit kami, hindi na ako makapagpigil at masasabi ko na sa kanya ang totoo. At yun ay yung fact na mahal ko na s'ya.

Bakit hindi ko nalang sasabihin?

Eh, natatakot ako.

Natatakot ako na baka wala syang nararamdaman para sa'kin. Na baka hindi nya ako mahal. Natatakot akong masaktan ulit. Haay..

Sa twing nakikita ko sya, bumibilis ang tibok nitong puso ko. Twing nakikita ko sya sa school, gustong-gusto ko talagang syang yakapin at hindi na pakakawalan pa. Pero ano bang magagawa ko? Natotorpe ako.

"I just don't know, bro." sagot ko sa kanya at umupo na ako sa chair.

"Okay." at umupo narin si Jose. Umupo narin ang dalawa naming kaibigan.

Pero napansin ko lang, ha. Pagkatapos nung Battle of the Bands, madalang na lang nagsasalita si Tristan. Minsan, sumasagot lang ng "Oo", o di kaya ay tatango lamang. Si Adrian naman, ay panay na ang pagte-text. Dati, hinahagis nya nga lang ang iPhone nya, eh na para bang wala lang yung value sa kanya. Ngunit ngayon, palagi ko na syang nakikitang nagte-text. Tapos kapag kukunin ko ang phone n'ya, wala pa sa mabilis na train ang pag-iba ng mood n'ya. From a guy who's so excited while texting someone to a very, very angry gran'pa. Grabeh! Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko? Si Jose nalang siguro ang natirang matino.

Nagbell na para sa lunch..

Sa cafeteria...

Habang kumakain kaming tatlo except ni Jose..

"Oy, Jose, kapag dumating na yung girlfriend mo kasama si.. a-ano.. si Hannah, sabihin mo kay Hannah, ah kung ano ang pinapasabi ni lolo. Got that?" utos ko sa kanya at tumango lang sya tas pinuntahan na sina Monette at Hannah na kapapasok lang ng cafeteria kasama si... MONTEMAYOR?! Bakit sya kasama nila?!

Pigilan n'yo ako at baka mapatay ko ang lalakeng yan!! Niyukom ko ang aking kamao at dito ko na lang ivi-vent ang galit at selos ko sa mga taong nasa harapan ko.

Tumingin ako sa dalawa naming kaibigan na tahimik lang kumakain dito sa table namin. Grabeh ha!

"Hoy! Tristan.." sinapak ko ang braso nya kaya agad s'yang napatingala at kita ko ang mukha nya na kasalukuyan pang ngumunguya..

"Hmmm?" tinaasan nya ako ng kilay.

"Magsalita ka nga!"

"Hmpano,akkhomag.saltat.ujagm kngtmngumunguyafako??"

What did he say?!

"ANO?"

"Lunukin mo nga yan!" dagdag ko pa.

At lumunok naman yung gago.

"Ano yung sinabi mo kanina?"

"Ang sabi ko, Pa'no ako magsasalita kung ngumunguya pa'ko? Tss."

Ay tae! Oo nga noh! Ba't ko ba kasi sya pinapa-imik eh kumakain pa yung tao. Ang stupid mo naman, Kyle! -_-

"A-Ah. Ganun ba? Sige. Pasensya na. Kasalanan n'yo naman kasi to, eh." tinuro ko silang dalawa ni Adrian.

Napatigil naman si YanYan sa pag-kain HABANG nagte-text at tumingin sa'kin ng masama. What did I say?!

"Bakit ako napasama, ha?" mariin n'yang tanong.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon