CHAPTER 18 - Guest
Hannah's POV
Nandito ako ngayon nakaupo sa first table kung saan naman nakaupo si Monette pati narin ang mga pinsan ni Kyle. Tapos na kasi ang 2nd set namin after few intermission numbers presented by the little grandsons and granddaughters of Lolo Sireno. Si Kyle naman at sina Jose, Adrian, at Tristan ay pupunta raw muna sa isang malapit na bar. Mag-iinuman daw ang mga loko. Pasalamat sila, nakapagpaalam sila kay lolo ng maayos. Oo, nandito na si lolo. Dumating na sya kanina pa lang habang nag se-second set kami. Natuwa talaga sya sa mga tinugtog namin. Pero, nung dumating si lolo, wala syang kasama. Eh diba sabi nya may mahalaga syang bisita na pasasakayin dun sa private plane nila? Hindi sya kasama ni lolo ngayon eh. Haaay! Hindi ko alam. Ano ba 'to? Mukha tuloy akong loka-loka kakaisip kung sino yun.
Pero may naalala lang akong isang dahilan kung bakit magmumukha talaga akong loka-loka. Eh sa hindi ko na mapigilang mainis,e! Arrrggg! At ngayon, alam pa nya ang sikreto ko-- sikreto namin.Paano naman nya nalaman yun? Haaay! Hindi talaga ako mapakali.
Dahil sa text message na galing sa kanya.
Oo, alam ko kung sino ang nag text na may unregistered number kagabi. Sino pa nga ba? Eh sya lang naman ang may MAKAPAL na mukhang bumigkas sa mga katagang "Mahal parin kita, Hannah." kahit halos isampal na nya sa'kin noon na may mahal na syang IBA. Leche!
"Hannah. Kinakausap ka oh." kinalabit ako ng katabi kong si Monette dito sa inuupuan naming round table na dahilan ng pagtingala ko kasi kanina pa ako dumudungo para basahin ulit ang nakakabwisit nyang text message. Alam na ni Monette ang tungkol dito. Eh pano kasi, hindi napigilan ang pagiging chismosa nitong bestfriend ko. Haaays. Binasa ba naman halos lahat ng text messages galing sa mga lalaking ka-text ko?! Tss.
"May araw ka rin sa'kin, James."
Tinignan ko na ngayon ang kumausap sa'kin.
"A-Ah. Pasensya na. Meron lang kasing nag text. A-Ano pala yung sinabi mo?" tanong ko sa maganda at payat na babae, na katabi ni Monette, na may maitim at maikling buhok. At ang dimples nya ay kitang-kita dito sa kinauupuan ko.
"Ang sabi ko, ang ganda-ganda ng boses mo kanina. Girlfriend ka pala ng pinsan namin. Ako nga pala si Rennalyn. Tawagin mo nalang akong Renz." aniya sabay lahad ng kamay at ngumiti sakin.
"Ah. Hehehe. Nice to meet you Renz." ngumiti rin ako sa kanya pabalik at tinanggap ang kamay nya nang muli syang nagsalita.
"Mahal mo ba talaga si Kyle?" tanong nya na kinabigla ko. Hindi ko kasi alam ang isasagot. Pero imbes na mataranta at magpapahalata na kahit isang katiting na pagmamahal ay wala ako dun sa Kyle na yun, ay pinili kong ngumiti at sinabing
"Oo naman." confident kong sagot.
"Hahaha!" lumingon ako nang narinig kong tumatawa ang gwapo, maputi, at makisig na pinsan ni Kyle na si DK katabi ng isa pang pinsan ni Kyle na maganda, maputi, may pagka mahinhin ang kilos, tapos may kulot na buhok pero mukha naman syang masungit. Sya si Sharra.
Kilala ko na sila kasi pinakilala na 'ko ni Kyle sa kanila noong tumugtog kami sa isang bar last week at nandun din sila. Magkapatid ang dalawa.
(i-picture out nyo na nakaupo ako sa isang round table katabi si Monette sa kanan tas si Sharra naman ay katabi ko sa kaliwa. Katabi ni bessy si Rennalyn na katabi naman ang isa pang pinsan ni Kyle na kaharap ko ngayon na syang katabi ni DK tas balik naman kay Sharra.)
"Ha? Ba't ka tumatawa? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" mariin kong tanong sa kanya at tinataasan ko sya ng kilay. Nalilito kasi ako. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, a!
![](https://img.wattpad.com/cover/12803985-288-k475416.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...