CHAPTER 6 - Start a Band or Start a Relationship?
Hannah's POV
.
.
.
"--aw . Bakit mo ginawa yun, Hannah?!" binatukan ko si James. Eh kanina pa kasi hindi sinasagot ang mga tanong namin ni bessy, eh. Kainis!
"Yan! Yan mapapala mo sa mga katanungang hindi mo sinasagot! Kanina pa kaming nagtatanong, tapos kakain ka lang dyan na parang walang nangyari? Tigas mo rin noh?" nandito kami ngayon sa Cafeteria. Pinakain muna namin si James pagkatapos silang nagsuntukan ni Kyle dun sa classroom. Gusto pa namin syang tanungin kung anong dahilan ng pagsuntok ni Kyle sa kanya pero hindi parin sya sumasagot hanggang ngayon. Masubukan nga ulit.
"Ano ba kasing nangyari, ha?! Bakit ka sinuntok ni Kyle? Sagutin mo kami ng maayos kung hindi, naku! Kita mong tinidor nato? Kilala mo na kung ano ako magalit, James." I provoked him to know what really happened but this is what he answered
"Eh, ano ka nga ba kung magalit? --aw. Hahaha! Ansakit. Di, nagbibiro lang, Hannah." at naisipan nya pang mag biro ng di oras, ha? Kitang-kita nyang seryoso ang mga tao kaya binatukan ko na naman sya.
"Sagutin mo nga kami ng maayos, James! Seryoso kami." sigaw ni bessy sabay hampas ng lamesa na nagpalingon sa mga estudyante sa cafeteria.
Nakita ko ring lumingon sina Kyle at ng mga kaibigan nya.
"Wag mo na syang sigawan, Mon. Nakakahiya." sabi ko kay bessy.
"A-ah. Wala lang yun, Han. Akala siguro ni Fajardo na i-inagaw ko ang girlfriend niya. Baka napagkamalan lang niyang ako ang kasama ng girlfriend nya sa restaurant na yun." sagot ni James. Pero may mali, eh. May mali sa sinabi nya ngunit hindi ko mawari kung ano.
"Bessy, niloloko lang yata tayo ng lalakeng to, eh. Wala namang sinabi si Kyle na nakita nya ang girlfriend nya sa isang restaurant kasama si James. So may tinatago talaga sya." bulong sa'kin ni Monette. Tama! Sabi ko na nga ba at may mali sa sagot ng James na'to.
"A-ah. G--ganun ba? Sige. Dyan ka na nga. Salamat sa pagsagot. Pero.... Tss. Kung inakala mong nakalimutan ko na ang ginawa mong panloloko sa'kin. Pwes! Nagkakamali ka. Dahil alam ko na ang lahat. At mukhang alam narin ni Kyle. So, humanda ka nalang Mr. Montemayor. ^__^ " binigyan ko sya ng sarkastikong ngiti at natigilan sya sa pagnguya ng pagkain dahil sa sinabi ko. Kita sa mukha nya ang pagkagulat.
"T-teka. P-paan--"
"Wag ka nalang magtanong. Dahil hindi rin naman kita sasagutin. Aalis na kami. Mabulunan ka sana. Che!" at nagsimula na kaming umalis ni bessy palabas ng Cafeteria nang may humigit sa kamay ko sa table malapit sa pinto.
"Ano na naman bang kailangan mo, ha?!" tanong ko kay Mr. Abnormal. Pinaupo nya 'ko sa tabi nya tapos umupo na rin si bessy sa tabi ko.
"Uuuyyyy! Hahaha! Ang sweet. Naghoholding hands parin." pang-aasar nung Tristan. Hay! Kainis -_-
Kinakantyawan kami ng mga tukmol nyang kaibigan. Tapos binitawan na namin ang kamay namin sa pagkakahawak.
"Eww! Anong sweet nun?! Gusto nyong suntukin ko rin kayo? At ikaw, Mr. Abnormal. Ano ba kasing kailangan mo, ha?!" tinanong ko sya ulit.
"K-kas--"hindi sya nakapagtapos sa pagsasalita nang pinutol sya ni Adrian.
"Grabeh. Ang astig talaga nitong si Ms. Hannah, Kyle oh. May iba pa bang babaeng sinisigawan ka ng ganito? Mukhang sya lang ang alam ko, eh. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Novela JuvenilSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...