CHAPTER 44 - No Longer
Hannah's POV
"Francis. F-Francis Maximus Fajardo ang full name ng daddy ko. Nickname nya lang ang Max....."
Hindi! Hindi pwede to.
Umiiling ako habang yumuyuko.
"Hannah.." Tinawag ako ni Kyle pero hindi ko sya tinignan.
"Hannah...."
Hindi parin ako makapagsalita.
Kaliwa't-kanan ang mga problemang hinaharap ko ngayon. Una, si mama. Hindi parin sya nagigising simula kanina. Pangalawa. Naiwan ko pa si Hervey sa bahay kasama yung kapitbahay namin. Pangatlo. May pending pa akong mga projects na need i-submit sa lunes! No submission means babagsak ako sa subject. Sa scholarship na nga lang ako umaasa para makapagtapos ng pag-aaral tas mawawala pa. Pang-apat. Malapit na ang due date ng mga bills namin sa bahay.
Tapos eto. Eto ang pinakamabigat. At siguro, ang napakasakit sa lahat. Ito ang marinig galing mismo sa bibig ng lalakeng mahal ko na may koneksyon pala si mama at ang pamilya nya. At posibleng may relasyon noon ang mama ko at ang daddy ni Kyle. Diyos ko! Hindi talaga ako makapaniwala!
Sana sumama nalang kami ni mama sa get-together dinner nina Ryan at Tita Racquel. Sana hindi na ko sumama sa family dinner ng mga Fajardo. Edi sana hindi nangyari ang mga 'to. Edi sana hindi kami nandito sa hospital.
"Hannah..."
Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Paano ko ba to matatanggap?!
Umiiling parin ako habang nakapikit. At nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng to. Pero pagmulat ko, nandun parin si Kyle sa harap ko at tinitignan akong mabuti.
"Hannah..... Hindi rin naman ako naniniwala eh.... Nung kinwento sa'kin ni dad ang tungkol sa nangyari raw sa kanila ng mama mo at sinabi nyang magkapatid tayo sa ama, napasigaw ako sa galit tapos dali-dali akong umalis ng bahay at tinawagan ka....."
"Galit ako sa ginawa ng mom ko sayo ganina. I know it was unexpected and I'm so sorry."
Napahigpit ang hawak ko sa dress ko habang nakaupo parin kami. Hinintay ko syang magpatuloy sa pagsasalita.
"..... P-pero. Ngayong sinabi mo sa akin ang pangalan ng Fajardo na kakilala ng mama mo... Malakas talaga ang kutob ko na si dad ang tinutukoy nya."
Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Bumuhos na talaga ang luha ko.
"Hannah. Wag ka nang umiyak.." Niyakap ako ni Kyle..
Pero patuloy parin ako sa pag-iyak.
"I still love you, Hannah. Remember that. Hindi parin yun magbabago."
Umiiling ako sa sinabi nya.
Kyle. Bakit ba tayo naging gan'to? Bakit tayo pa yung pinaglalaruan ng tadhana?
Kakasagot ko lang sa'yo nung Thursday eh. Tapos ito pala ang mangyayari pagsapit ng Sabado? Bakit sa lahat ng pwedeng maging half-brother ko. Bakit ikaw pa?
Tinanggal na nya ang kanyang pagkakayakap sa'kin at pinunasan nya ang luha ko.
"Why are you still crying?"
"...sniff... Kyle. Kung totoo nga lahat ng to, hindi na tayo pwede. We can no longer be together...sniff...."
Narinig ko syang nagbuntong-hininga.
"Hannah, wag mo namang sabihin yan oh. Nasasaktan rin ako sa mga nangyayari ngayon. Pinipilit ko lang magpakatatag para sayo."... hinawakan nya ang kanan kong kamay..
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...
