Chapter 11.5 - Rivals to Allies? (part 4)

113 1 0
                                    

CHAPTER 11.5 - Rivals to Allies? (part 4)

Hannah's POV

Hindi ko alam kung bakit lapad-lapad ng ngiti nitong gagong to. May kakaiba eh. Tss. Nandito parin kasi ako sa limousine katabi ang loko. Haay! Hanggang ngayon, hindi ko parin tanggap na pinasuot ako ni Ate Mandy ng gantong dress. Pero in fairness, ang ganda ng pinili nya!

"Hannah?" biglang nagsalita si Kyle

"Oh?"

"May favor ako."

"Ano yan, Kyle?"

"Kahit anong mangyari, wag na wag mo silang kakausapin, Okay?" ha? Ano? Sino?

"Ha? S-sinong sila?" tanong ko

"Basta pag dumating na tayo dun, i-enjoy lang natin ang date natin, ha? Kahit fake lang na couple." hindi ko alam pero something tells me this isn't right. May mangyayari kayang masama o may makikita kaya akong masama? Alin ba dito? Tsk. Bahala na nga.

"Ok."

"K" tss. sinagot nya lang ako ng K

"K" sinagot ko rin sya ng K.

"K" hala. At nagpapalitan lang kami ng K. Tanga nito.

"Duh. Alam mo ba na ang K ay tinatawag na conversation killer? Pero ba't di pa tayo tapos? Wala natong kwenta." sabi ko.

"K" gago! Nanghahamon talaga.

"K. K. K. K. K. K!" Akala mo ikaw lang ang pwedeng magsabi nyan kahit ilang beses pa? Asa! Di naman ako papatalo. Hahaha!

"K" napapagod na ako nito! Hays!

"Tumigil ka na nga, Kyle!"

"K." aba at!

"Sh*t! Aray!" binatukan ko lang naman ang annoying na lalake. Walang mapapala ang pag ki-K K nya! Nakakabobo rin eh. Tsk -___-

"Abnormal ka kasi!"

"Isa nalang. Papatulan na talaga kita!" pagbabanta na naman nya

"Sige nga! Tignan nga natin!" hindi naman nya nagawa. Hanggang salita lang pala! Tss.

"Ba't d mo ako nagawang patulan? Bakla ka naman diba? Papatol ka talaga ng babae! Hahaha!" inaasar ko sya

"Hoy! Gago! Bakit naman ako magiging bakla? Eh, ang gwapo gwapo at ang astig ko ngang tignan!"

"Ang yabang mo! BAKLA! Haha! Bakla!" binehlatan ko sya. Ngayon ko lang nakita si Kyle na namumula dahil sa sobrang inis.

"Wag mo kong subukan, babae!"

"Susubukan talaga kita! Wahaha! Bakla. Kaya pala close na close sila ni Ate Mandy kasi nga bading din sya." Hahaha! Nakakatawa ang pagmumukha nya.

"Sige! Ituloy mo pa yang pang-aasar mo kundi hahalikan kita dyan! Sinabing di ako bakla! Leche!" Oh no! Tsk.

"O-okay. S-sige. Sabi mo eh, lalaki ka nga. He. He. He. peace ^__^v" Nakuu! Kung di ako tumigil. Baka mawalan ako ng first kiss. Hahaha! De joke lang.. Si James pala ang first kiss ko. Pero mukhang nakalimutan ko ang tungkol dun ngayong kasama ko ang lalakeng to. Huhuhu! T__T

"Hahahaha! Duh. As if naman hahalikan kita noh? Nakakadiri kaya!" aba! Pinandidirian talaga ako, ha? Pwes! Masubukan nga. Medyo pang-asar lang. Haha! *smirk

"Talaga?" dahan-dahan ko syang nilalapitan at napapa-atras naman sya.

"T-teka. Teka! Hannah! Anong ginagawa mo?" namumula ang mukha nya

"Ano ba sa tingin mo? Nilalapitan ka. Hindi ba pwedeng lapitan ko ang boyfriend ko?" kinikiliti ko ang tenga nya gamit ang buhok ko tapos nginitian ko sya.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon