Chapter 35 - Starting Over (Part 1)

37 2 0
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello po sa mga readers ng storyang to. Pasensya na po talaga kung sobrang natagalan ako sa UD. Naging busy kasi ako sa College life. Ehmehgeed! Haha! Pero.. Talaga. Naging busy ang lola nyo. Hahaha. POV muna ni Kyle ang ipapabasa ko para malaman nyo kung ano yung nakalimutan nyong chapter. So eto na po yung Chapter 35 <3 Salamat at Sorry po ulet. Pag-iigihan ko na po ang pag-update sa susunod. Ok. Ty po :*

XXXXXXXXXXXXXXXXXX



CHAPTER 35 - Starting Over

Kyle's POV

"Uhm. Bro." tinawag ako ni Adrian nung nakatayo na 'ko para umalis dahil tapos na ang last period namin.

Nag-effort pa talaga akong lumingon sa kanya pero galit parin ako.

"Ano?" malamig kong tanong.

"S-Sorry." aniya nang nakayuko.

Natigilan ako sa sinabi n'ya. Alam kong ma-pride ang taong 'to pero ngayon, sya ang nagso-sorry. Inaamin ko, naba-badtrip parin ako sa mga binitawan nyang salita kahapon pero hindi ko naman talaga kaya ang mawalan ng bestfriend. Sya na kasi ang kakampi ko simula pa noon, eh. Niligtas n'ya ko sa bangungot. Nandun na si Yanyan para sa'kin nung baliw pa ako kay Dannah. Kaya hindi ko sya magawang itakwil ng ganun-ganun lang dahil mahalaga sya sa'kin. Hindi lang si Adrian pati narin sina Tristan at Jose. So, ang ginawa ko ay tumango lang para magmukha parin akong cool.

"Kyle. A-Ako rin. Sorry sa lahat. Sorry talaga. Sakali mang meron kang malalaman na kasalanan ko, handa na 'kong itakwil bilang kaibigan ninyo. P-Pasensya na talaga. Mahalaga ka kasi sa'kin at---" hindi sya nakapagpatuloy dahil sumingit si Jose.

"So gay, bro." aniya tas nag-smirk.

"Hindi pa ako tapos.." ani Tristan kay Jose at tsaka sya lumingon sa'kin.. "Mahalaga ka kasi sa'kin at maging si Ms. Hannah kaya ko nagawa yun. K-Kasi, mga kaibigan ko kayo." sabi nya at yumuko.

"Ano bang nagawa mo? Bakit mo sinabing 'kaya ko nagawa yun'? Anong 'yun' ?" tanong ni Adrian.

Bakit ba pinagpapawisan ang lalakeng 'to? Hindi pa nga kami nakakalabas ng room at tsaka, may aircon naman dito, ah.

"S-Sorry... kasi... a-ano--" hindi na naman nakatapos si Tristan dahil pinutol sya ni Jose.

"Kyle! Naghihintay na raw sina Monette at Hannah dun sa gate. May pupuntahan pa kami ni Monette. Tara na!"

"Mamaya nyo nalang i-explain sa'kin ang mga dahilan ninyo. Okay. Tara." inakbayan ko si Tantan si YanYan palabas ng room. Si Jose naman ay panay ang text sa girlfriend nya.

Habang bumababa kami papuntang 1st floor dahil kasalukuyan kaming nandito sa 3rd floor, biglang may tinanong si Tristan sa'kin.

"Bro. S-So. Uhm. Sasabihin mo na talaga yun kay Ms. Hannah? Kaya mo na?"

"H-Ha? Ah. H-Hindi ko alam. Ano. Ahmmm..... Sh*t!" ginulo ko nalang ang buhok ko. Bakit ba kasi ako natotorpe?! Bwisit! Bakit ngayon lang ako nagkakagan'to?!

"Sabihin mo na kasi, Kyle. Bago pa mahuli ang lahat." ani Adrian.

Ngayon ko lang sya narinig na sumuporta sa amin ni Hannah, ah. Dati kasi, palagi syang nagagalit sa twing magkasama kami ni Hannah. Nagagalit sya pag naging sweet kami bigla. Pero noong wala pa yung deal namin, palagi naman nya akong inaasar at pinagtatawanan dahil sinasagot-sagot at iniinsulto raw ako ng isang babaeng tulad ni Hannah.

Pero ano bang gagawin ko ngayon? As much as I want to tell her I love her, there's still a part of me that tells me, "It's not yet time." But, do I really have to trust my guts? Or would I just simply trust what my heart orders me to do?

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon