Chapter 19 - Ignorance
Kyle's POV
Haay! Sasamahan ko ba talaga ang tatlong ugok nato? Tsk. Ba't ko pa ba sila sinamahan? Mga peste.
For your info: pinilit lang nila akong magpaalam kay lolo na mag-iinuman daw sila dun sa malapit at mamahaling bar na pawang mga artista lang at mga mayayaman ang makakasalamuha. Sa Scar Tissue.
Kaya ayun, NAPILITAN. Gusto ko pa sanang maasar at makasama si Hannah. Kaso, hinatak na'ko ng tatlong 'to at ngayon, nakaupo kaming apat sa may counter ng bar malapit sa mga bartenders. Ayaw ko kasing umupo dun sa mga malalaking sofa. Bigla-bigla nalang kasing susulpot at tatabi ang mga drunk girls sa amin kaya di ako papayag kung ganun kasi ang ayoko talaga sa lahat ay ang ma tempt..
"Hoy. A-Ano bang ginagawa sha bar, ha?! Nag-iinuman o nagte-text?" mariing tanong ni Yanyan kay Jose.
Sa nakikita ko at sa naririnig ko, medyo malapit ng malasing si Yanyan.
Pero etong si Jose, wala man lang pakealamam sa sinasabi ng kaibigan. Siguro gusto nyang pakainin ko sya ng cellphone. Kulang nalang, malulunok na nya ang phone dahil sa ang liit nalang ng agwat nito sa mukha nya. Tanga talaga! Gusto ba nyang matulad kay Tristan? Ang mabulag?! Pero joke lang yun. Haha! Malabo lang ang paningin. Haha.
Eh pano kasi, kanina pa to text ng text. Hindi naman sya ganto dati. Wala naman din syang ibang ka text kundi sino pa nga ba, eh di yung babae nya. At pareho naman talaga kaming walang plano na sumama sa dalawang ugok na to.
Naririnig ko ngayon ang rock at party music na umaalingawngaw sa loob ng bar. Malaki kasi ang lugar na'to at kita ko ang mga nagkukumpulan dun sa gitnang part ng bar at pati narin sa harap ng stage. Mukha ngang may bandang nagja-jamming ngayon pero wala akong pake. Tss. Haay, nakakairitang tignan ang mga hot at seksing babae na dumadaan sa harap ko at nagfi-flirt. Pero wala nii isa akong pinansin.
May gumugulo kasi sa utak ko. Hindi ko alam kung ano basta bigla nalang susulpot si Hannah sa isip ko at natatakot ako baka susuntukin nya 'ko sa twing papatol ako sa ibang girls. Pero what the eff-- ?! Bakit ko naman iisiping magagalit ang babaeng yun sakin? Wala syang pakealam sakin noh? Walang pakealamanan! Kaya lang naman hindi ko sila pinapansin kasi sinusunod ko parin hanggang ngayon ang Rule no. 2:
Hindi ka pwedeng magka-lovelife habang nandito pa ako at habang may bisa pa ang deal.
Yun lang! Wag kayong mag-isip ng kung ano! Bwisit. Mamaya. Sabihin nyo dyan na ayaw kong magselos at magalit si Hannah sa'kin. Heh! Asa kayo noh?
(Chen: Sinabi ba namin yun? Sus! Denial)
(Kyle: Tumahimik ka nga. Tss.)
I hate her. Everybody knows that. Pero joke lang. Hindi lahat ang nakakaalam na we hate each other. Alam rin to ng mga kaibigan namin.
Pero maghihiganti parin ako. At bitter parin ako. Ngunit konti nalang at makakawala narin ako.
"Hoy. N-Naririnig mo ba 'ko?" napalakas na ang boses ni Yanyan habang dinuduro ang balikat ni Jose pero di parin lumilingon ang gago.
"Tss. Manahimik ka dyan, Yanyan." ani Jose habang nakapangalumbaba sa counter at hawak-hawak ang phone nya.
"Haay.. *hiik* .. Buti kayo, masaya kayo sa lovelife *hiik* nyo. Eto kami ngayon ni Adrian Lorenzo Reyes.." napapikit nalang si Tantan sa muling pagtungga nya ng isa pang shot ng tequilla.. Grabeh. May tama na 'tong lalakeng 'to. Nabigkas nya ang buong pangalan ni Yanyan, e.. "bitter dahil ang dalawang babaeng mahal namin *hiik* eh, napunta lang sa iisang tao lang.. aiish.. Ang tanga namin!" ginulo ni Tantan ang buhok nya.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...