Chapter 32 - Second Chance

74 2 0
                                        

CHAPTER 32 - Second Chance

Author's POV

Pagkatapos ng Battle of the Bands, balik na naman sa pagka-boring ang buhay ng mga estudyante ng S.Fajardo University. Pero naging sikat naman ang bandang Silent Kiss at ang final act nina Kyle at Hannah. Usap-usapan sa buong campus ang pagkapanalo nila at maging sa school publication ay na-feature kaagad ang "KylAh Loveteam". Ngunit para kay Hannah, hindi sya masaya sa naging resulta. Pa'no ba naman sya maging masaya? Eh, mismo yung taong mahal na mahal nya, ay bigla nalang syang iniwan sa ere pagkatapos at pagkatapos ng performance nila?

.

.

Hannah's POV

Monday..

.

.

"Bessy, halika na! Nagugutom na'ko! Hays! Ang bagal mo naman!" tsk. Ang ingay-ingay naman nitong si Monette.

Nag-bell na kasi para sa lunch tapos nililigpit ko pa nga lang ang mga gamit ko, eh nagrereklamo na agad 'tong bestfriend ko.

"Tsk. Nakikita mo bang ginagawa ko?" naiirita kong tanong sa kanya.

"Oo. Nakikita ko. Pero, Hannah naman oh. Isang buwan ka nang nagkakaganyan." paliwanag n'ya.

"Anong "nagkakaganyan" ang pinagsasasabi mo, ha?"

"Kasi dati, nung kayo pa ni K--"

"Hep. Hep. Hep! Wag mong banggitin.." sabi ko habang tinatakpan ko ang bibig nya at matalim ko syang tinitignan. I'm just trying to make his name a bad word. That's all.

"Pwe! Ang baho naman ng kamay mo.." reklamo nya nang tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa bunganga nya.. "O sige. Ang sabi ko, dati, nung kayo pa ni *toot*, kahit fake lang yun, napansin ko talagang halos araw-araw kang ngumingiti. Napansin ko ring hindi ka na bitter kay James. Napansin ko na ang sigla-sigla mo rin hindi tulad ngayon na mukha ka nang zombie." hi-nead to foot pa 'ko ng loka.

Tss.

Well, actually 1 month na ang nakalipas nung nawalan na ng bisa ang deal namin ni Kyle. 1 month na ang nakalipas after ng Battle of the Bands kung saan kami yung nanalong banda pero mukhang ako lang yung dismayado. 1 month na rin ang nakalipas pagkatapos kong umiyak sa harap ni Tristan. Pero ang hindi ko talaga makakalimutan ay yung sinabi nya pagkatapos n'ya akong yakapin.

Ngayon, nalaman ko na nagtransfer na pala si Kyle ng ibang block pati narin sina Jose, Adrian, at Tristan. Pero, magkasintahan parin ang bestfriend ko at si Jose. So, obviously hindi na kami magkaklase ngayong 2nd semester. Tuluyan na n'ya talaga akong kinalimutan. It really sucks! Nakaka-miss lang. Balik sa normal na naman ang buhay ko.

Nagkikita naman kami sa school pero hindi man lang n'ya ako pinapansin. Dadaanan n'ya lang ako na parang wala kaming pinagsamahan. Ano ba kasing nagawa ko? Okay lang, kaya ko 'to!

Binabati parin naman ako nina Jose at Tristan twing madadaanan nila ako pero sina Adrian at Kyle ay patay-malisya lang. Ngayon ko lang 'to napansin na hanggang ngayon, hindi parin ako kinakausap ni Adrian ng maayos. Galit din ba s'ya sa'kin? Tss. Ayoko na nga!

"Okay. Okay. Panalo ka na." ani ko at nauna na'kong maglakad sa kanya papuntang cafeteria.

By the way, ngayon ko lang napansin na nag-iba na si James. Nag-iba in a way na hindi mo na sya mapapagkatiwalaan as president, hindi na sya nagpa-participate sa discussion, wala na yung leadership n'ya, at etc. Parang nabahiran na ng maraming negative energy ang buong pagkatao n'ya. Iba na sya sa James na nakilala ko, na naging bestfriend ko, at sa James na minahal ko. Ano kayang nangyari sa kanya?

Hate That I Love You SoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon