Chapter 23 - Alipin

77 2 0
                                    

Sorry po kasi masyadong bitin ang last chapter. Now's the time. (Note: Wag nyo pong i-play ang video sa tabi kung hindi ko pa sinasabi. Thanks... )

CHAPTER 23 - Alipin

Hannah's POV

Grabeh. Yung thought na magkakapera na'ko sa araw na 'to... Shems. Hindi ko talaga mapigilan ang pagiging good mood ko ngayon. :D

Dali-dali akong naligo at nag bihis pang-eskwela at tsaka nagtoothbrush pagkatapos namin kumain nina mama at Hervey ng umagahan. Biro lang kasi yun ni mama na tanghali na raw akong nagising. Paggising ko. 4:45 AM pa. Kiniss ko na sila para magpaalam at lumabas na para maglakad papuntang school.

 

Habang naglalakad ako...

 

What?!

"Miss. Holdap to." may ipinakita syang patalim at akto nya 'kong saksakin. Hindi ko nakita ang mukha nya dahil nakatakip ito gamit ang isang itim na bonnet na binutasan para makita ang kanyang mga mata at bibig.

"Ahhhhhhhhh!~~" napasigaw ako pero walang taong nakarinig sa'kin dahil maaga kasi akong nakaalis sa bahay at sigurado akong natutulog pa yung mga kapitbahay namin.

Alam nyo bang nerbyosa akong tao kaya nagpanic talaga ako. So I was left with no choice at napatakbo nalang ako ng wala sa oras. Ang bigat-bigat pa naman ng bag ko tsaka itong paper bag na dala ko. Huhuhu. Sana 'di nya ako maaabutan.

"Ahhhhh~~ .. Wag kang lumapit sa'kin! Wala pa akong pera! Ahh~~ Mamaya nalang!" tumatakbo parin habang sinasabi yan.

Ang bilis nyang tumakbo. Dala-dala parin ang patalim. Oh God. Please, wag muna. Hindi ko pa gustong mamatay.

Nung nasa gate na'ko ng school, sinalubong agad ako ni Manong guard.

"Miss. Ano bang nangyari sa iyo? Ba't ka hinihingal?"

Sus. Kung di lang ako good mood ngayon, malamang nasuntok ko na 'tong guard na'to. At dahil mabait ako pag good mood, syempre, pinalampas ko na lang.

Ba't ako hinihingal? Malang tumakbo ako. -__-

Paglingon ko sa likod, wala na yung holdaper. Ay, salamat po, Lord.

"Can't talk now, Manong. Busy ako. At magkakapera na'ko." inirapan ko sya at tinarayan. Haha. Nakakatawa ang itsura nya. Nagkamot pa sya ng ulo dahil baka di nya na-gets ang sinabi ko.

Pagdating ko sa main lobby ng school, nakita ko na andaming nagkukumpulang estudyante sa harap ng stage malapit sa Accounting Office namin. Ano kaya ang nandun?

Duhh. Wala na'kong pake. Baka merong program o ano. O baka naman pareho lang 'to sa panaginip ko. Bakit ko ba kasi yun napanaginipan? At bakit ba ako umiyak pagkagising ko? Leche.

Nagsimula na akong umakyat ng stairs papuntang 5th floor para sa first class namin. Tamang-tama.. 6:32 AM ang dating ko. At 7:30 pa yung unang class namin..

Hanggang sa tumunog ang speakers....

"Attention to all S.Fajardo students. Goodmorning. This is Mr. Silverino Fajardo Jr. Hmm. I would like to call on Ms. Hannah Trixia Dela Cruz,.."napalingon ako sa speakers nang nagsalita muli si lolo.. "Second Year, Psychology Major.. Please proceed to the stage near the accounting office right now. You are badly needed. Thank you."

OMG! As much as I want to enter my 7:30 class, mas importante parin sakin ang pagsunod sa utos ng University President namin. Kaya bumaba at pumunta na'ko sa mga nagkukumpulang estudyante dun. Nakisiksikan ako sa kanila para makapunta sa harap. Nang nakalabas na'ko sa suffocating number of students na nagtitipon-tipon dun sa may stage, ay nakita ko sina Adrian, Jose at Tristan. Kaya pala maraming tao dito. Ang dami narin kasing nang-iidolo sa kanila simula nung tumapak sila sa school na'to.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon