Chapter 31 - I Just Hate That I --

48 2 1
                                    

CHAPTER 31 - I Just Hate That I --

Hannah's POV

Nasa'n si Kyle?! 

"Adrian! Ui. Nasa'n si Kyle? Last song na natin 'to." tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang sya.

Tiningnan ko si Tristan pero ganun din, nagkibit-balikat lang din.

"Jose? Sabihin mo sa'kin nasaan si Kyle?!" naiinis na'ko. Ngayong malapit na kaming matapos ay bigla nalang syang mawawala?! >_____< 

NASAAN NA BA KASI SI KYLE?!!

Nakuuu! Lagot kami nito! Bakit ngayon lang sya aalis bigla? Napaka-wrong timing naman n'ya. Naiiyak na'ko kasi alam kong 'di na kami mananalo. Inisip ko na magbo-boo ang mga tao. Inisip ko na mambabato na talaga sila ng kung ano sa'min.

Tinanggal ni Adrian ang strap ng kanyang gitara tas umupo dun sa may drumset. May kinuha syang parang isang maliit na maracas at inilapit dun sa microphone malapit sa drumset.

"Huy. Adrian, ba't ikaw ang umuupo dyan?" tanong ko sa kanya pero tinitigan lang ako gamit ang palagi n'yang bored na mukha.

 

Nalilito na kasi ako sa mga ginagawa at kinikilos nila. Eh, pa'no? Last song na namin to, o! Tapos hindi lang sila magsasalita kung ano ang mga nangyayari at kung nasa'n na ang kumag na yun?! Kainis!

Kanina pa'ko nakatalikod sa mga audience pati sa mga judges pero nii isang "boo" wala akong narinig mula sa kanila hudyat ng pagbawas ng points sa banda namin at dahilan ng pagkawala ng drummer namin. Wala.

Muli kong hinarap si Jose at pati sya ay pinalitan ang Epiphone electric guitar n'ya ng isang Acoustic-Electric guitar. Bakit ba wala akong kaide-ideya sa mga pinaggagagawa nila?

Tatanungin ko na sana si Tristan tungkol sa ginawa ni Jose ngunit...

"Magsisimula na ba tayo?" may kung sinong lalake ang nagsalita gamit ang microphone.

Narinig kong sumigaw ang mga tao ng "Silent Kiss! Silent Kiss! Silent Kiss!" tapos nagpapalakpakan ang lahat. Parang nandun lang kami sa isang grand concert hall. Ang daming sumigaw! Kaya ako napalingon.

T-Teka! P-paa--- ?!

Paglingon ko sa harapan, (kung sa'n yung vantage point ko ay yung nakaharap ako sa mga audience) nakita kong merong hawak si Kyle na wireless microphone at tinitignan ako sabayan pa sa ngiti nyang nakakatunaw ng buto. Kinikiiliiiiig akooooo *___* >____< Kyaaaaa~~!!

"Hannah. Last song na natin 'to, diba? Halika na?"

He offered his hand to me at kinuha ko naman ito ng walang pag-aalinlangan.

Paghawak ko sa kamay ni Kyle, grabeh, ang daming nagsi-tilian, ang daming sumigaw, at mukha talaga silang kinilig. Eh, fake nalang ako dito? MAS KINILIG ako, noh! >___< Haaaaay! Kyle! Ba't mo 'to ginagawa sa'kin? Ha?

Nagsimula na si Jose sa pagtugtog ng isang kanta sa acoustic guitar n'ya. Ang pagsa-strumming n'ya ay hindi gaanong mabilis hindi rin gaanong mabagal. Yung pantay lang ang tempo. At sinabayan naman ito ni Adrian ng bass drum at tsaka yung maracas na dala-dala n'ya.

"Pwede n'yo ba kaming sabayan ng isa-isang clap habang kumakanta kami?" pakiusap ni Kyle sa mga audience. At um-Oo naman ang iba, ang iba ay nag thumbs up lang indicating na "okay" sila.

HATE THAT I LOVE YOU SO by Rihanna ft. Ne-Yo

 

 

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon