.
.
Chapter 14 - Secret Crush
.
.
Kyle's POV
Hindi ko alam pero magaan ang loob ko kay Hannah ngayon. Pinatahan nya ako. I thought that I was going to break back there at the car. But I didn't. She comforted me. Just like what my mom and my sister would always do when they see me cry. I don't know but right now, I just feel comfortable when I'm with HER.
"Hannah!!" bati ni lolo kay Hannah pagpasok palang namin sa grand entrance doors.
"Lolo Sireno. Magandang gabi po." nagmano sya kay lolo at ako rin.
"Oh. Apo! Kamusta ang date nyo? Masaya ba?"
"A-ah. Opo, lo. Masayang-masaya. Diba, babe?" lumingon ako sa kanya at ngumiti.
Tumingin din sya sakin at nakita ko na namumula ang kanyang pisngi.
"O-Opo, lolo. Nag enjoy kami." sinagot nya si lolo at ngumiti. Lumingon sya sakin at nag-iwas ng tingin. Ano to? Haha!
"Ganun ba? Mabuti naman. Oh, apo. Kanina pa kayo hinihintay nina Adrian dun sa Music Room. Punta muna ako sa Library natin." Tumango ako at umalis na si Lolo.
"Pst! Uy! Hannah. Ba't ka tulala dyan?" nakita ko kasi syang nakatingin sa kawalan
"Ah. W-wala." umiiling sya.
"Ah. Ok. Halika na." inakbayan ko sya papuntang kwarto ko.
Medyo nawala ang lahat ng galit ko sa paligid dahil sa sinabi nya kanina. Hindi ko alam pero parang unti-unting naglalaho ang nararamdaman kong hate para sa kanya. Oo, napaka-annoying nya at nakakairita pero simula kanina, nakalimutan ko ang lahat ng yun. Sa sobrang saya at bilang pagpapasalamat ko sa kanya, I couldn't help but kiss her forehead. Eto siguro ang rason kung bakit di sya makatingin ng maayos sakin :)
"Umupo ka muna dyan." utos ko sa kanya habang dumiretso ako sa walk-in-closet dito sa kwarto ko.
Nagpalit ako ng damit na susuotin pampractice. Simpleng pang-bahay lang. Isang red polo shirt na may nakalagay na salitang "Ferrari" tapos isang checkered shorts. Kinuha ko ang pabango kong 'Axe for Men' at ini-spray na yun sa sarili ko tas lumabas na rin ako.
"Han." tinawag ko sya habang nakatayo at tinitignan ang mga posters ko sa mga paborito kong banda lalo na ang Spongecola. May picture frame din akong nakasabit kung san nakalagay ang mukha naming lima na bumubuo ng "Silent Kiss". Pinapagitnaan namin ni Adrian si Sonia tapos katabi ko naman si Jose at katabi naman ni Adrian si Tantan. Ang saya naman oh! Lalo na nung nag Wacky pose kaming lima. Ang astig tignan ni Jose. Pero mas ASTIG talaga ako sa kanya. Haha!
"K-kyle? Ang saya nyo naman. Nahihiya ako sa inyong apat." Aniya na nakayuko.
"Ba't ka ba nahihiya?" nilapitan ko sya at hinaplos ang kanyang buhok. Grabeh! Ang lambot ha!
"W-wala lang. Magiging ganyan din kaya kasaya ang mga mukha natin kung tayo ring lima? P-parang hindi e." tumingala sya sakin at nakita ko ang malungkot nyang mukha. Damn. Gusto ko syang yakapin.
"O-o naman. Ano ba yang iniisip mo, Hannah? Ang OA nito! Haha!" pinitik ko ang kanyang noo at tumawa. Nakuha ko pa syang tawaging OA sa kabila ng malungkot na aura sa paligid. Baka nagagalit na to.
"Aray! Sakit ha! Ba't mo ginawa yun? Dyan mo ko hinalikan e. Tss!" what? Hahaha! Napatakip sya ng kanyang bibig at pumula talaga ang mukha nya.
"Anong sabi mo?" pinigilan kong matawa sa sinabi nya. Kaya napakagat nalang ako sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...
