Chapter 37 - WHAT? NO!

64 1 0
                                    

CHAPTER 37 - WHAT? NO!

Kyle's POV

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagyaya na syang umuwi.

Pero. Guess what. Totoo na talaga to! Yes! Yes! Yes! Nasabi ko na kay Hannah na mahal ko sya. At sabi nya na mahal nya rin ako. Ang bading pakinggan pero tang*na kinikilig ako. Sh*t!

Katabi ko parin sya ngayon habang nagmamaneho papunta sa bahay nila. Gusto ko parin syang halikan pero nahihiya na 'ko. Aba aba aba! Ngayon ka lang nahiya?!

"Kyle. May sasabihin ako sa'yo. Lumingon ka nga." ani Hannah dito sa gilid ko.

"Ano yu--"

*boogsh ...

Sh*t! Hindi ako nakatapos dahil sinuntok nya 'ko habang nagmamaneho!

Napatapak agad ako sa break!

"PESTE! BA'T MO GINAWA YUN?!" sigaw ko sa kanya habang hinihimas yung parte ng mukha ko na sinuntok nya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Hindi mo ba natatandaan?" aba! At tinawanan lang nya 'ko?!

"ANO BANG HINDI KO NATATANDAAN?" nilakasan ko parin boses ko dahil nabigla ako at the same time nagagalit ako sa ginawa nya.

"Hindi mo ba natatandaan yung rule? Diba sabi mo na kapag ikaw ang maiinlove sa'kin, eh susuntukin kita? HAHAHA! Pfft!"

Huh? May sinabi ba'kong ganun?

"Eh sa binigla mo ko! Pa'no kung mabangga tayo! Gusto mo bang mamatay?! Yan tuloy, gusto talaga kitang gantihan ngayon! Bwisit!"

Gan'to mukha ko oh!

>>>>>______________<<<<<

"Sorry naman. Pfft! Hahaha!"

Lumabas ako ng sasakyan at iniwan sya dun sa loob. Buti na lang hindi masyadong marami ang mga tao at sasakyang dumadaan sa part ng karsadang to kaya hindi ako nakabangga ng kung ano o kung sino.

Nakaupo lang ako sa may gutter at hinihimas-himas parin tong kawawa kong mukha. Bwisit na Hannah! Pasalamat sya mahal ko sya. Pero nagpapakipot lang naman talaga ako. Ayokong maghiwalay na kami agad noh! Kakasagot lang nga nya sa'kin eh. Kakasabi lang din nga nya sa'kin ng "I love you" eh, tapos makikipagbreak ako? Ang babaw naman ng dahilan ko pag ganun. GAGO lang ang gumagawa nun eh.

.
.

Hannah's POV

"Patay ka, Hannah! Nagalit si Kyle sa'yo!" sabi ko sa isip ko.

Eh totoo naman talaga kasi eh. Naalala ko lang yung sinabi nya sa'kin noon.

 "At kapag ako naman ang mainlove sayo, sundin mo ang sarili mong rule. Yung suntukin mo ako. Okay?"

 

 

Pero na-realize ko na wrong timing pala ako.

Hannah, what were you thinking?! Nagmamaneho boyfriend mo tas susuntukin mo bigla? Are you out of your mind?!

 

Pero alangan namang magpapaalam pa'ko sa kanya na susuntukin ko sya. So wala na yung thrill. Wala na yung shocking effect. Pero alam ko, mali yung ginawa ko. Hindi ko nalang sana sya sinuntok, yan tuloy, nagalit at minura pa'ko. Tss.

Lumabas ako para hanapin sya at nakita ko naman sya agad. Nakaupo lang sya dun sa gutter malapit sa isang poste na walang ilaw. Medyo madilim kasi sa lugar na hinintuan namin. At nakita ko syang hinihimas yung mukha nya.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon