Chapter 29 - Battle of the Bands

66 1 0
                                    

Hi po! This is it! Eto na! After a long wait. October na at Battle of the Bands na! :)

Maraming tutugtugin ang banda nila. Kaya wag ka nang mag-atubili pa. Kapag nakita mo na ang title ng kanta along this Chapter, kung mobile lang ang ginagamit mo at hindi ka familiar sa song, wag mo nalang pansinin. Hahaha. Pero kung pc ang ginagamit mo, pwede mong i-play sa Youtube ang song para mas ma picture out mo ang scene nila. Ok ;)

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

CHAPTER 26 - Battle of the Bands

Hannah's POV

After 4 months of practicing all the songs that we're gonna play, 4 months of hiding my feelings, and 4 months of pretending, ay nandito na kami ngayon sa backstage at naghahanda na para sa battle na hinihintay ko. Para sa battle na naging rason kung kailan nagsimula at magtatapos ang lahat ng pagsasama --este pagpapanggap namin ni Kyle.

"Ladies and gentlemen, welcome to the 10th Annual Battle of the Bands organized and facilitated by the S. Fajardo University's Music Club. Tonight, we will witness different bands playing different songs of different genres from different schools." sabi nung M.C na bading at sya rin mismo ang Student Supreme Council President namin. Narinig ko ang tawa ng ilan dahil siguro sa pagiging redundant nya. Hahaha.

Dinig na dinig ko rin ang hiyawan at palakpakan ng mga tao dun sa harap ng engrandeng stage na itinukod sa gitna ng Football field namin. At kami naman ay naghahanda na sa likod.

Grabeh! Mas bongga ang Intramurals namin ngayon kumpara last year. Ang daming tao! Marami kasing categories na pagpipili-an ang ibang students ng University kaya dun sila nag-audition depende kung sa'n ang hilig nila. Kanina, merong "The Campus Voice", "Hiphop Dance Revolution", at "Talentadong Pinoy". So, ang pinakahuli at ang pinaka-ASTIG na category sa lahat ay ang Battle of the Bands.

Maraming banda ang dumating. May ibang banda na tig-aapat ang members, meron ding tatlo, merong anim, at meron ding lima, tulad ng banda namin tsaka yung isa pa... At ng banda ni.. ni... S-Sonia. All in all, anim na banda ang tutugtog ngayong gabi.

Ngayon ko lang sya nakita ulit since nung nagkita-kita kaming apat nina Kyle at James dun sa restaurant ng family ni Kyle. Hindi ko rin inexpect na may bago na pala syang sinalihang banda.

"Ang mga bandang maglalaban-laban ay ang bandang "Talk Dirty" na galing sa San Sebastian College," sumigaw ang mga supporters nila at na-realize ko na marami-rami talaga ang mga taong manonood sa'king kumanta mamaya. Grabeh! Nakaka-pressure!

"Ang bandang "Underscore" na galing sa Beauxbatton (Bow-ba-t'n) Academy. "Revolution" na galing sa University of Sto. Tomas. "Slapshock" na galing sa Anderson College of Technology.."

Tiningnan ko ang mc sa harap habang nandito ako sa backstage at hinihintay ko syang i-announce ang dalawang bandang natitira.

"Woah! I guess this band has an interesting name.. Let's give it up for the band whose name is "Secret!" from Franco University. Ahahaha." tumawa ang MC pero nagsisigawan, naghihiyawan, nagpalakpakan ang mga audience.. "Well, after all, no secret is safe when you can't keep it safely." ayan na naman sya sa pagiging redundant nya. Pero yung sinabi nya, napansin kong may laman talaga.

Walang reaksyon ang mga tao sa sinabi ng M.C. Mukhang naspeechless nga ang ilan, eh. Pero naririnig ko parin ang music na "Wiggle, Wiggle" galing sa sound system.

"Hannah, ready ka na ba? Hindi ka ba kinakabahan?" dumating bigla si Tristan sa tabi ko. Hinahanda na kasi namin ang aming ayos at porma para mamaya.

Tumango ako.

Nakasuot ako ng isang maiksing jumper at nababalandra talaga ang legs ko. Sa pang-ilalim ko naman, ay nakasuot ako ng yellow sleeveless. Sinuot ko ang aking white high-cut Converse shoes. Nakalugay lang ang buhok ko pero ang ilang strands ng aking buhok ay ginawang braid.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon